a/n: try lang kung effective but why don't you try playing the background music? just want to try if it would work haha. don't forget to vote and comment! ^_^
Chapter 18: Gone
Amber POV
I can’t accept the fact that she’s gone. Kayo ba, tanggap ninyo? Because me, I don’t think so. Bakit ba kung sino na lang ang mababait sila pa ang unang nawawala? Bakit ba kung sino pa ang inosente sya pa ang napapahamak? Why is it so unfair?
Naalala ko pa nung first time ko syang nagging kaclose. That day when she comfort me. that day that I shared her all my thoughts. Kahit mas bata siya sa akin naintindihan niya ako. She doesn’t deserve to die. Kaka 18 lang niya for peter’s sake. she's too young to die.
Kahit ano mang gusto kong ipilit na si Cyril ang may kasalanan, I know I shouldn’t accuse her. Roshan wouldn’t want it either. Gusto niya magkakasundo kami and I will do it for her.
Nung isang araw ang libing ng tatay niya. And now, nandito kami ngayon sa yate ng EA, sa mismong kinalubugan ng bangkay ni Roshan para magpadaos ng misa para sa katawan ni Roshan. And of course, we are all crying as we look back to the memories that we shared with her.
Ayaw ko mang umiyak, pero patuloy na naagos ang luha ko mula sa mga mata. Bakit ba ganito? hindi ko mapigilan. Kahit ipikit ko ang mga mata ko, wala akong magawa kundi ang lumuha. kapag kasi pumipikit ako, mukha lang ni Roshan na nakangiti ang nakikita ko.
Kainis naman yung kanta eh, sino ba ang nagpatugtog ng farewell to you my friend? Hindi tuloy tumitigil yung luha ko. To be honest, hindi ko pa ito nararanasan. Yung mawalan ng kaibigan. Yung mamatayan ng kaibigan.
“Roshan naman eh *sniff* bakit ka naman umalis agad? Bakit ka ba naman umuna nang umakyat jan sa langit? Diba gagawa pa tayo ng mga kalokohan? Diba tutulungan mo pa kao kay Alex? Kahit naman ayaw niya sa akin, kahit may gusto na syang iba diba tutulungan mo pa ako? Lumangoy ka naman ulit papunta dito. Swimmer ka naman dati ah? Hoy! Roshan! sumagot ka naman!” Sabi ni Blair sa pagitan ng mga hikbi mula sa kanyang pag iyak.
“Roshan. Ano bang ginagawa mo jan? malamig jan. umahon ka na please? Please bumalik ka na. namimiss na kita. Kung kailan naman bumalik na ako sa EA saka ka naman umalis. Grabe ka naman mang-iwan, panghabang buhay na. mas okay na yung nagibang bansa ka o nangibang bayan. Kaso hindi eh, nagpunta ka sa isang lugar na for now ay hindi ka namin masusundan. Pano na kita mayayakap? Uy!” –Pearl
“grabe bunso. Bakit ka ba nagpakasirena diyan hah? Feeling mo ba may buntot ka? Bakit hindi mo sinabing gusto mong sumunod sa yapak ni Dyesebel.” sabi ni kuya Arthur sa pagitan ng mga iyak. Oo, kalalaking tao naiyak. Binatukan namin sya. Burol na nga’t lahat nagawa pang magbiro.
“deh, joke lang. baka mamaya multuhin mo pa ako. Pero bakit naman umalis ka hah? San ka ba pupunta? Malayo ba yan? Bumalik ka na please? Ngayon na nga lang ako nagkaroon ng kapatid eh tapos iiwan mo pa ako. Grabe ka naman. Basta kung nasaan ka man, magiingat ka hah. Sana lang may canteen dyan para hindi ka magutom.”
BINABASA MO ANG
EA II: Battle Between Two Kingdoms
FantasiaIt's easy to make friends but it's hard to leave them. For the second time, i lost them. Nawala ang dalawa sa pinakamatalik na kaibigan ko. Enchanted Academy. A school where i belong. Kahit na ayaw ko, wala akong magagawa. I found my element, pwede...
