chapter 13: Why?

5.9K 240 35
                                        

Roshan’s POV

 

“basta Blair ah, yung payo namin sayo. As much as possible wag munang lalapit kay kuya Alex ah? Ako na bahalang kumausap sa kanya. At ang emotions, control hah?”

Tumango naman sya. Haist. Para tuloy ako ngayong nanay na nagpapaalala sa anak ko eh. Pero ang totoo, ako ang bunso dito dahil ako ang huling nag 18.

Speaking of my sweet 18. Hindi talaga ako makapaniwala na si Yoichi ang nag handa noon. Dati naman kasi simpleng bati lang nya sa akin tuwing birthday ko. No gifts, no parties, and nothing special. Pero ngayon, nag abala talaga sya. ang tanging nagreregalo lang sa akin noon ay si Joachim haha. tapos baligtad naman sila ngayon.

Nakakakilig! Ganito pala pag may gusto ko sa isang tao ano? Ganito pala kapag feeling mo parehas kayo ng nararamdaman. Haha ang sarap sa pakiramdam.

“uy, ang bunso o ang ngiti abot hanggang tenga. Lumalove life na ata pre!” sambit ni kuya Arthur sabay nakipag apir kay kuya Daren. Pagkaisahan naman ba?

“masamang mag ka crush kuya?”

Oops. Napatakip tuloy ako sa maingay kong bibig. Aish! Nadulas ako doon ah. Patay!

Awkward silence~~

“UY! DALAGA NA ANG BUNSO! NAG DEBUT LANG NAGKACRUSH NA!” sigaw ni kuya Daren.

Ay pusit! Ang ingay nitong dalawang to eh!

“kelan pa Roshan?” – Amber

“err, nung debut?” tanong ko sabay irit naman ni Amber at tawa ni Micla

“wait…. Don’t tell me… si Yoichi yan?” tanong ni kuya Arthur. And don’t tell me mind reader na sya ngayon?

“mind reader ka?” tanong ko

“WOAH! Pre tama hula ko!” sabi ni kuya Arthur na tuwang tuwa.

“hindi ako sang ayon jan Roshan. I don’t think na deserving sya para sayo”

Napalingon ako sa nagsalita. Si Blair. Bakit ganito sya? Yung aura nya hindi maipinta. Parang itim na itim

“bakit Blair? Masama bang magka gusto ako kay Yoichi? Mabait naman sya, matalino, gwapo, element holder. Anong problema don Blair?” seryosong tanong ko sa kanya

“basta, you don’t deserve him. You don’t know him” sabi nya. Napasinghal na lang ako sa narinig ko.

“look Blair. Ayaw kong mag away tayo. Pero look at what you are saying. You’re telling me na hindi ko sya kilala? Sa ating dalawa ako ang mas nakakakilala sa kanya. We’ve been friends since high school at ikaw, you just met him now. And now you’re telling me na hindi ako pwedeng magkagusto sa kanya? Gosh Blair. Minsan na nga lang ako magkagusto sa isang lalaki hahadlangan mo pa. nasasabi mo lang yan dahil bitter ka ngayon dahil sinabi ni kuya Alex na gusto nya si Myreana.” Napatayo na ako sa galit at maging sya ay napatayo na din

EA II: Battle Between Two KingdomsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon