a/n: hi readers! hmm... parang tinatamad ako pero eto na yung update. could someone motivate me? haha. feeling ko kasi nabo-bored na kayo. by the way, nahirapan akong isulat ang chapter na ito. i need so much emotions but i couldn't grab any. feeling ko tuloy naging manhid na ako kasi lagi ko na lang pinapaiyak si Roshan. i hope yo'll enjoy reading! don't forget to vote and comment! ^_^
Chapter 17: death
Cyril’s POV
Papunta kami ngayon ng barkada sa bahay nila Roshan. Nabalitaan namin ang nangyari sa pamilya nya kaya naman nakikiramay kami sa pagkamatay ng tatay niya.
Kasama ko ngayon sina Pearl, Micla, Amber, Blair, Yoichiro, kuya daren, kuya alex, kuya Arthur, ate Reilly at ate emryde. Thou hindi pa ako gaanong kaclose kay ate emryde, I think she’s a kind person.
Tahimik kaming nakasakay sa service. Pagkatapos kasing ihatid si Roshan ng van ng EA, pagkadating na pagkadating ng van ay kami naman ang sumama papunta sa kanila upang makiramay.
I heard na once na daw nagging depressed at stressed si Roshan dahil nawalan sya ng mga kaibigan. There was a time na hindi sya nangiti, hindi nakain ng ayos, at hindi mo makausap ng matino si Roshan. Well, newbie lang ako sa grupo na ito and they already told me that story.
Pano na kaya ngayon? Baka bumalik na ang pagiging cold side ni Roshan dahil sa mga nangyari sa pamilya niya. Ayaw kong Makita syang ganon. Parang feeling ko natatakot na ako sa kanya ngayon pa lang.
Nanood na lang ako ng amazing world of gumball. Hindi ninyo naitatanong na paborito ko itong palabas na ito. Kung sino man ang voice actor nito, crush ko na haha.
Okay, Cyril hindi ngayon ang time para lumandi at pagnasaan si Gumble. Ngayon ang time para magluksa para sa pamilya ni Roshan, para sa tatay niya.
Nakarating na kami sa bahay nila. Simple lang ang bahay nila. Sa totoo lang, first time kong makapunta sa bahay ng isang kaibigan o kaklase. At ang masama pa doon, masama ang nagging first time ko dahil burol ng ama niya.
Sa totoo lang, naaawa ako kay Roshan. Masyado syang madaming napagdadaanan na masama. Puro drama ang kwento ng buhay niya pero nagagawa pa niyang tumawa at makisaya sa amin. Hindi ko pa siya gaanong nakakasama pero sya ang isa sa dahilan kung bakit ako nagpunta ng Enchanted Academy.
Masayahin energetic at matakaw. Yan palagi ang tingin ko sa kanya. I always see her in a positive way. Mabait sya kaya hindi ko alam kung bakit sa kanya pa napapapunta ang mga ganitong kamalasan.
Nakita ko na papasok sa bahay sina kuya Daren kaya sumunod ako. Pero along the way papasok ng bahay, may narinig akong tsismisan.
“mare, bakit naman ganoon ang batang yon? Burol ng tatay niya tapos aalis bigla?”
Huh? Aalis bigla? Umalis ba si Roshan?
“hayaan mo na mare, intindihin mo na lang. nanay nya na lang ang natitira kaya malamang na hanapin niya iyon” sabi pa ng isa.
BINABASA MO ANG
EA II: Battle Between Two Kingdoms
FantasyIt's easy to make friends but it's hard to leave them. For the second time, i lost them. Nawala ang dalawa sa pinakamatalik na kaibigan ko. Enchanted Academy. A school where i belong. Kahit na ayaw ko, wala akong magagawa. I found my element, pwede...
