a/n: hi readers! hindi pa nakaka 24 hours, update agad ano? haha. grabe lang talaga. natuyo ata utak ko sa pag gagawa ng chapter 26 kaya heto ako ngayon, i ran out of ideas. sorry for the short update but i hope you'll enjoy it. please do vote and comment! lalong lalo na sa mga maiinis dahil sa chapter na ito, voice out your comments! thank you! ^_^
Chapter 27: not her!
Roshan POV
Naglalakad ako papuntang room ko. Parang ewan sa feeling. Parang feeling ko.ugh. honestly I don’t know what to feel. Those words keeps on repeating itself inside my mind.
Aouie, hayaan mong ligawan kita
Aouie, hayaan mong ligawan kita
Aouie, hayaan mong ligawan kita
Ugh! stop it will you??
Ugh. bakit ba ako nagkakaganito? I feel so uneasy. Feeling ko mali ito eh. Hindi ako dapat kiligin, hindi ako dapat na matuwa, hindi dapat ako mafall sa isang katulad niya. At isa pa, hindi naman lovelife ang pinunta ko dito eh.
“gabi na ah, san ka galing?”
Napatingin ako sa nagsalita. Patayo na sana sya pero inunahan ko siya sa dapat niyang gawin. Haha, just applying some childhood game that I could remember.
“Kuya! Freeze!” sigaw ko and there, hindi siya nakagalaw haha. Parang napako siya sa kinatatayuan niya at takang taka sa kilos ko haha. Gawain ko yan nung bata eh.
“freeze what?” sabi niya haha. Agad ko syang nilapitan at hinila sa may gilid ng corridor. Wala na namang klase kaya ayos lang mag ingay. I’m sure naman na nasa room na ang mga tao ngayon.
Inilabas ko ang phone ko at ibinigay ito sa kanya. Since sya ang unang taong nakita ko ngayon, number niya ang kukunin kong una haha.
“wow. Pinapa- hili mo na ba sa akin ang bagong phone mo?” tanong nya na ikinangiti ko.
“hindi naman po sa ganon. Diba sabi ninyo kanina ako ang tinuturing ninyong bunso sa barkada? I feel like kuya ko talaga kayong lahat at sobrang gaan ng loob ko po sa inyo. Eh since ikaw ang una kong nakita, then can I ask for your number?” nakangiti kong sabi.
Ngumiti sya pabalik at nakita ko ang pag-i-imput niya ng number nya sa phone ko. Nang ibalik niya sa akin ang phone ay agad ko naman itong kinuha pero kinuha niya ang kamay ko na ikinagulat ko.
“suot mo pa din pala ito. Wag mong aalisin yan hah?” nakangiting sabi niya sa akin. Ang tinutukoy niya ay ang color blue na gloves na suot ko.
“ikaw ba ang may bigay sa akin nito?” tanong ko sa kanya
“yep. And you gave us this” sabi niya sabay pakita ng bracelet niya sa akin. Sobrang dami ko pala talagang dapat alalahanin ano?
BINABASA MO ANG
EA II: Battle Between Two Kingdoms
FantasiIt's easy to make friends but it's hard to leave them. For the second time, i lost them. Nawala ang dalawa sa pinakamatalik na kaibigan ko. Enchanted Academy. A school where i belong. Kahit na ayaw ko, wala akong magagawa. I found my element, pwede...
