chapter 4: Mission

7.1K 253 26
                                    

Chapter 4: mission

Daren’s POV

 

“Roshan, pinapatawag ka sa headmaster’s office. Pumunta ka muna don” pagpapaalala ko sa kanya. Hindi ko din alam kung bakit eh, basta may nagbilin lang sa akin non.

“guys, wala na ba kayong nakalimutan?” just making sure everything’s going to be fine. Baka kasi mamaya may nakalimutan sila or something eh.

“okay na po kami kuya! Intayin na lang po natin si Roshan” sabi naman ni Blair.

“okay! Tara na sakay na kayo sa van”

Van ang sasakyan namin palabas ng academy. Palabas lang to ng academy pero pagdating namin sa outer world o sa labas ng academy, wala nang sasakyan. We’ll be doing this on our own. Sa akin ipinagkatiwala to ni headmaster kaya dapat lang siguraduhin ko ang kaligtasan nila, lalo na ng legendary.

Maya maya pa ay dumating na din si Roshan. Ewan ko ba kung anong expression ang nakikita ko sa mukha nya. Para kasing Masaya na natatakot na kinakabahan na ewan.

Nakasakay na silang lahat. Kumpleto na kami. Ako, si Emryde, Arthur, Amber, Roshan, Blair at Micla. Okay na!

“kuya, okay na po kami.” Pagpapaalam ko kay kuya driver.

“aba, kasama nyo din pala si Roshan” narinig kong sabi ni kuya driver. Teka, bakit kilala nito si Roshan?

Roshan POV

 

 

“Roshan, pinapatawag ka sa headmaster’s office. Pumunta ka muna don” sabi ni kuya Daren kaya agad naman akong sumunod. Tumakbo ako papuntang headmaster’s office, baka kasi maiwan ako eh.

Pagkadating na pagkadating ko dito ay agad akong kumatok at pumasok. Pagkapasok na pagkapasok ko ay agad kong nakita ang teacher in charge ngayon, si Mr. Peralta.

“sir, pinatawag daw po ako ng headmaster?” tanong ko sa kanya. Agad naman syang sumenyas na lumapit ako at lumapit nga ako. Nakita ko ang isang laptop  na nakalagay sa lamesa ng headmaster.

“miss Atkinson, alam kong hindi mo talaga gustong mapasama sa mission na ito. Pero pinilit ako ng legendary eh kaya ako pumayag. Dahil sa hindi mo magagamit ang element mo bilang sandata sakaling may umatake sa inyo, I’ll give you this.”

May inabot sa akin si sir Peralta na isang kwintas. Sa lace nito ay may nakasabit na parang isang oblong na lalagyan. Ano to? Pano ko to magagamit bilang panlaban?

“binibigay ko na iyan sayo dahil baka sakaling atakihin kayo ng diablerie. I know them, they play dirty tricks.”

Kanina pa salita ng salita si headmaster pero hindi ko talaga malaman kung ano ba itong binigay nya sa akin. “ano po ba ito headmaster?” tanong ko sa kanya.

EA II: Battle Between Two KingdomsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon