Chapter 15: warning
Roshan POV
“hindi ko sya kilala” wika ko sa kanya.
Ayoko muna syang harapin, kausapin. Wala pa ako sa kundisyon para dito. Oo, hindi nagging kami. Pero nagging paasa sya. Tss, bakit nga ba ako umasa in the first place? Ako rin naman may kasalanan. Assume kasi ako ng assume.
Mabuti na lang at hindi na nagtanong pa si Pearl. I still wouldn’t answer her if she did. Sariwa pa, hindi pa naghihilom, chos.
Nakapasok na si Pearl sa kwarto nya at habang ako naman ay naglakad lakad muna sa labas. Umupo muna ako sa favorite space ko sa bench sa garden. Ang sarap ng simoy ng hangin ngayon, siguro nasa good mood si Blair. Ang ganda ng mga ibon, ang ganda ng ulap.
Enchanted Academy. Pwede na bang manahimik ng payapa ang mundo ngayon? Kumpleto na ang mga tagapangalaga mo. Bakit kailangan pa kami dito? Gusto ko nang umuwi, gusto ko na ng simpleng buhay. Yung walang away, walang tampuhan. Kung pusible nga lang na hindi makadama ng sakit ang tao eh.
Kukunin ko na dapat ang earphones ko sa bulsa ko nang makapa kong wala ito. Hays… wrong timing naman o. babalik ako dito. Kukunin ko lang earphones ko.
Naglakad na ako patungong kwarto ko. Ang laki din ng advantage ng may sarili kang kwarto, nagagawa mo lahat ng gusto mo. May malawak na sariling space. May privacy ka. Inilabas ko na ang ID ko at paswipe na pinasok sa pinto. Parang atm card lang ang style dito, pero imbis na pera ang kapalit ng pagswipe ay entrance sa kwarto mo ang kapalit.
Nakita ko agad ang earphones sa study table ko. Dadamputin ko na sana ito nang biglang may nahagip na black envelope sa gilid ng table. Nacurious ako at nilapitan ito. Kukunin ko na sana ito nang bigla namang tumunog ang phone ko.
From: Kuya Alex
Can I talk to you? Please see me in the garden.
Tungkol saan naman kaya ito? I want to know so I decided to come. and besides, garden naman talaga ang pupuntahan ko diba?
Pagdating ko sa garden, wala pa sya. Naupo muna ako sa grass at tuluyang nahiga. Ang gaan sa pakiramdam kasama ang lupa, hangin. At iba pang elements. Sinaksak ko na ang earphones sa tenga ko at nagpatugtog ng luxury by the ready set. Paborito kong singer ito, si the ready set. Ang weird ng stage name nya no?
Nageenjoy ako ngayon sa music nang biglang mawala ang earphones ko sa kaliwang bahagi. Napamulat tuloy ako ng mata at agad namang sumalubong sa akin ang mukha ni kuya Alex.
“kuya” agad akong napaupo at ganoon din naman siya. Ang tagal ko ding hindi nakausap ito ah. Simula nang dumating si Ana.
“Roshan. Kamusta na ang bunso?” agad na tanong nya habang nakatingin sa magandang langit na sya namang agad kong sinundan.
“kuya namiss kita. Nagseselos na ako sa ana na yun. Simula nang dumating sya hindi na tayo nagkausap ng matino. Namimiss ko na payo mo” walang masama kung magiging open ako hindi ba? kuya ko naman siya eh
BINABASA MO ANG
EA II: Battle Between Two Kingdoms
FantasiIt's easy to make friends but it's hard to leave them. For the second time, i lost them. Nawala ang dalawa sa pinakamatalik na kaibigan ko. Enchanted Academy. A school where i belong. Kahit na ayaw ko, wala akong magagawa. I found my element, pwede...