a/n: ayan na! chapter 9 updated! enjoy reading! ^_^
Chapter 9: birthday I
Roshan POV
Pagmulat ko ng mga mata ko, isang cream na dingding ang sumalubong sa akin. Wait, nasaan na ako? Nang igala ko ang mga mata ko ay napagtanto ko na nasa kwarto ko na pala ako. As in kwarto ko, yuyng kwarto ko sa EA at hindi yung sa hotel.
Sinong nagdala sa akin dito? Hanla! Sa pagkakaalala ko ay nasa bus kami papunta sa hotel. Ganun na ba kahaba ang tulog ko? Anyare?
Bumangon na ako at chineck kung nandito na ang bag ko, and there. Nasa may gilid na yung bag ko. Kinuha ko ang phone ko at nakita ko dun ang maraming missed calls. Galing kay Yoichi?
May messages din pala. Nang buksan ko ito ay puro kay Yoichi din galing. Anong meron?
From: Yoichiro
Kailan ang uwi ninyo?
Eh? Bakit nya tinatanong? Tss. Hindi ko na lang muna nireplayan. Naligo na lang muna ako at nagbihis. Balak kong puntahan ngayon sina kuya eh, tatanong ko kung sinong nagdala sa akin sa kwarto ko.
Pagkatapos kong maligo ay dumeretso ako sa training rooms. Baka sakaling nandoon kasi sila. Pero pagpunta ko doon ay wala sila. Haist, siguro mamaya na lang.
Naglalakad ako ngayon sa corridor, mag isa. Such a lonely day ano? Baka kasi nagpapahinga na ngayon sina Amber, malamang napagod din iyong mga iyon. Teka, ano na bang date ngayon? Chineck ko sa phone ko. February 14, 2015.
Birthday ko na pala ngayon. Hindi naman ako makapagcelebrate dahil hindi naman alam ng mga kaibigan ko dito. Hindi din naman ako makapagcelebrate dahil wala naman dito ang pamilya ko, wala din dito sina Heira, Yoich, Joachim at ang iba pa.
Ngayong year lang ata ako hindi nakapagcelebrate. Teka, alam ko na! yayakadin ko na lang sila! Di bale nang hindi nila alam na birthday ko ngayon basta wag lang ako magisa sa birthday ko! Debut ko pala dapat ngayon, kaso wala sina nanay. Mas Masaya kung nandito sila eh.
Papunta na ako ngayon sa classroom. Alam kong masyado pang maaga para pumasok pero wala kasi akong gagawin eh. Dun na lang siguro muna ako tapos itetext ko na lang sina kuya.
Iniisip ko, pano kung nagging legendary din ako? Papayagan kaya nila akong magdebut dito? Papayagan kaya nila akong isama ko ang nanay ko at tatay at mga kapatid ko dito sa academy? Siguro kung nagging isa akong legendary, kahit anong irequest ko gagawin nila no?
Nakarating na ako sa classroom. Hinanap ko talaga yung seat na tabi ng bintana. Gusto kong mag muni muni ngayon. Kaso hindi ako makapag- senti dahil sa bulungan ng mga kaklase ko.
“huy, nakarating na yung mga legendary.”
“oo nga eh, balita ko palpak ang mission nila”
BINABASA MO ANG
EA II: Battle Between Two Kingdoms
FantasyIt's easy to make friends but it's hard to leave them. For the second time, i lost them. Nawala ang dalawa sa pinakamatalik na kaibigan ko. Enchanted Academy. A school where i belong. Kahit na ayaw ko, wala akong magagawa. I found my element, pwede...
