chapter 23: Glenda

5.6K 243 38
                                    

Chapter 23: Glenda

Micla’s POV

 

Nakarating kami sa Academy nang safe. Thanks to our seniors. and now kasama na namin si Kuya.

“bakit ka ba nawala hah?” tanong ni Blair kay kuya. Kasalukuyan kaming nasa tree house.

“obvious ba? Dinukot ako ng diablerie” sagot niya. Tss.

“bakit ka naman nila dudukutin?” tanong ko

“obvious ba? Kasi alam ko na ang sikreto nila” ang hilig niya sa obvious ba ah. Tsk. nabagok ba ulo nito sa devil academy na iyon?

“anong sikreto?” tanong naman ni Arthur

“I am warning you guys, magingat kayo sa headmaster” seryosong tanong niya.

Lahat kami ay nagtaka sa sinabi niya. What the hell is he talking about? Is he serios o baka naman nabaliw na ito sa kulungan sa Diablerie? Anong pinakain nila sa kuya ko?

“why?” tanong ni Amber

“because he is sometimes the real headmaster and sometimes not”

What? So may impostor dito sa academy? Sino? Pano namin malalaman?

“how can we know if it’s him or not?”  tanong ni Cyril

“isa lang ang nakikita kong paraan, hingin ninyo ang number ng headmaster and tawagan ninyo muna sya at tanungin kung nasaan siya bago ninyo kausapin ang headmaster na nasa loob ng kwarto. siguro naman hindi kayang gayahin ang phone no? iisa lang naman ang pwedeng magmayari ng certain phone number diba?”

Lahat kami napa face palm nalang sa kanya. Puro kalokohan pa din walang kupas. Baka nabagok na ulo nito sa diablerie at nagkacrack na ang bungo nito at inamag na ang utak nito.

“sya nga pala, nasaan na si bestfriend? hindi ko yata nakikita ang water element holder?” tanong ni Nicolo, este kuya.

Lahat kami ay umiwas ng tingin sa kanya. Lahat kami ay yumuko na para bang ayaw naming sabihin kung anong nangyari sa kanya. Sayang lang at hindi niya ito naabutan. sobrang dami na niyang na-miss sa academy.

Bigla namang pumasok si Joachim. Life saver

“oh, sino naman to? Parang nakita ko na to” sabi ni Nicolo.

Dirediretso lang si Joachim at umupo sa sofa. Pero nang Makita niya si Nicolo, agad niya itong nilapitan at he offered his hand for a shake.

“hi, I’m Joachim. Laser element”  sabi niya.

“Nicolo, telephaty” sagot naman nito

Bumalik na sa upuan si Joachim pero si kuya ay nakatitig padin sa kanya.

EA II: Battle Between Two KingdomsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon