Kabanata 5
Bumukas ang pinto. Tiningnan ko 'yon at nakangiting mukha ni Liesa ang bumungad sa akin. Tumingin siya sa tinitingnan ko. Lumapit siya at bumuntong hininga.
"Don't worry, dalawa ang kinuha kong magbabantay. Maasahan sila, Cael."
Ngumiti ako ngunit hindi pa rin mapanatag. "Ayoko lang na iwan siya."
Marahan siyang natawa. "Grabe. Iba talaga pag Mommy na. Mga galawan mo e."
"Feeling ko kasi ang liit liit niya pa. Baka hanapin niya ako mamaya. Paano kung umiyak siya, tapos wala ako." Nangilid agad ang mga luha ko.
Agad na hinaplos ni Liesa ang likod ko. "Ano ka ba? Minsan lang naman 'to. Saka magaling mag-alaga ang kinuha ko, Cael. Hindi ko naman pababayaan ang inaanak ko." Tumingin ako sa kaniya. "Feeling ko umedad ka ng limang taon sa akin ah?" Tumawa siya.
Natawa na rin ako at lumapit sa crib. Sinilip ko ang mukha niya na mahimbing na natutulog. Hawak niya ang cute na teddy bear habang nakanganga ang bibig at pikit nao pikit ang mga mata.
"Baby? Payag ka ba? Sasama si Mommy kay Ninang?" Bulong ko. Marahan kong hinawakan ang maliit niyang kamay.
Tumawa si Liesa. "Grabe naman. Parang kontrabida ako ah."
Lumapit na rin siya sa amin. Tiningnan niya si Baby Chase na mahimbing na natutulog.
"Ang guwapo guwapo talaga nitong inaanak ko." Marahan niya ring hinawakan ang kamay nito. "Paano ang guwapo ng Daddy." Humagikhik si Liesa at tumingin sa akin. "Wala ka bang balak na ilantad ang pagkatao mo?"
Natawa ako at nailing sa kaniya. Parang timang. Pagkatao talaga? Ano 'yan nasa teleserye kami?
"Masaya naman kami at hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay ko. Sapat na si Baby Chase."
Umismid siya. "Sira. Hindi para sa'yo. Para kay Chase." Bumuntong hininga siya. "Makailang buwan, magsasalita na 'yan. And for sure hahanapin niya ang Daddy niya. Hindi ka ba handa roon?"
Natigilan ako sa sinabi niya. Sumikip ang dibdib ko sa kaisipang masasaktan ko si Chase sa aaminin. Kasi ang totoo, wala naman talaga. Hindi siya kilala ng papa niya. Itinago ko lahat. Pati sa pamilya ko.
Mula noong makita ko silang dalawa sa fast food na kinainan namin ni Liesa, buo na ang desisyon ko na hinding-hindi ako lalapit sa kaniya. Hindi ko na kailangang guluhin ang buhay niya.
Tinuloy ko ang pag-aaral at ang pagbubuntis kay Baby Chase. Halos hindi ko na kayanin dahil sa sobrang sama lagi ng pakiramdam ko lalo na tuwing umaga. May minsan pa nga na lumabas talaga ako ng bahay makabili lang ng manggang may alamang! Takte, nilibot ko ang eskinita, nagbabakasakaling may nagtitinda pa. Buti na lang tumawag si Liesa at sinabi ko ang gusto ko. Ayon, pinadalhan agad ako.
Siguro kung wala si Liesa, hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin. Malaki ang utang na loob ko sa kaniya. Halos siya ang tumayong tatay nito. Natatawa pa nga ako pag naalala ang mga talak niya.
"My god! Cael! Bakit ba ayaw mo na lang itawag ang mga kailangan mo? Hindi iyong lalabas ka pang mag-isa! Paano pag may nangyari sa 'yo ah? Hindi ka na mag-isa oh! Dinadala mo 'yang inaanak ko! My gosh!" Inis niyang sinapo ang noo habang may hawak na hotcakes.
Gabi na at lumabas ako upang bumili noon. Ayaw ko naman na istorbohin siya. May isang beses kasi na tinawagan ko siya e nasa isang mainit na sitwasyon pala sila ni Eric! Takte! Hiyang hiya ako!
Ako pa ang nahiya ah!
Paano ko hindi malalaman! Umuungol pa si Liesa nang sagutin niya ang tawag ko! Piste, sana naman protected sila. Ayokong makasabay siya sa pagbubuntis!
YOU ARE READING
Game Of Destiny (Every Game #1)
Romance"Then what's your name, sweetheart?" he whispered. She smirked. Staring at his drunken face. "Hm, why are you asking?" She asked, obviously drunk as well. "You said, you're not her. Then tell me, who are you?" nilapit niya ang mukha sa kaniyang tai...