Kabanata 20

618 18 1
                                    

Kabanata 20

Have you ever fear for something you didn't even know what it was from the beginning? Was it for the remaining days before Sage will tell everything to his fiancée? Or was it for the possible hate that we'll taste from her, or even from his family?

Or..maybe it's a fear for what he said that makes my heart throbbed.

I didn't know.

I just felt scared for something, I couldn't point out.

I felt suffocated when he came closer and stared at me for a whole-fucking-time.

"What is it, Cael?"

Hindi nakakatulong sa nararamdaman ko na mahaba ang traffic at mukhang walang balak gumalaw ang mga sasakyan kung nasaan kami ngayon.

"What are you thinking?" Hindi pa siya nakuntento at lumapit pa talaga sa akin kahit na malapit na siya sa akin kanina.

Lumayo ako. Gulat na gulat pa. Nangunot ang noo niya. Nairita sa paglayo ko.

"Cael-"

"Lumayo ka nga." I sighed as a collected myself. "Ang lapit mo.."

"I was asking you." Umirap siya. "Bakit ba bigla-bigla kang tumatahimik?"

Hindi ako lumingon sa kaniya. Nakagat ko ang dila nang maramdaman ang titig niya sa akin. Bumuntong hininga ako at hindi na napigilan ang pagkainis sa kaniya.

"Bakit ka ba tingin ng tingin?!"

He blinked twice, shock was obviously written on his face. "Why are you mad? Do you perhaps.. have a bipolar disorder or what?"

Nangunot ang noo ko. "Bipolar disorder? Really, Sage?! Bobo ka ba?" Halos kagatin ko na siya sa iritasyon.

Bahagya siyang lumayo at mukhang natakot sa akin.

He chuckled. "Okay, I'm sorry. Wala kang ganoon. Nagugulat lang ako at bigla-bigla kang nagagalit, wala man naman akong ginagawa."

"Bobo ka e, ang pangit mong kausap."

"What? Ako pa ang bobo?"

"Oo, alangan ako?"

Isinugod ko ang mukha ko kaya natatawa niyang itinaas ang hintuturo at tinulak ang noo ko pabalik sa puwesto ko.

"Calm your ass down, Cael." He chuckled. "Okay, let's talk." Umayos siya ng upo at humarap sa akin. "Why are you mad? Did I do something? Or did I offend you? Tell me, I'm not a mind reader."

Tinitigan ko pa muna siya ng mariin bago umayos din ng upo at humarap sa kaniya. Tumaas ang kilay niya at ngumisi sa atensyong binigay ko.

"Hindi ko gusto ang sinabi mo kanina-"

"What? Ang alin?"

"Can you at least let me finish my sentence, Mr. Sergio Agot?" I hissed.

He wrinkled his nose. "Fine. And it's Sage, Cael. Damn."

"Hindi ko gusto na sasabihin mo lang kay Dalmi ang lahat dahil ayaw mong magalit ako."

Bumalik ang takot na naramdaman ko kanina nang maalala kung gaano siya kaseryoso noong sinabi iyon, kahit maloko ang ekspresyon niya, alam kong seryoso ang sinabi niya.

"Sasabihin mo sa kaniya dahil iyon naman talaga ang dapat na gawin ng isang boyfriend na kagaya mo at soon-to-be husband niya. Naiintindihan mo ba ako, Sage?"

Bumuntong hininga siya at tumango. "Alright. Alam kong iyon ang gagawin ko, hindi ko naman nakakaligtaan iyon."

"Talaga? Bakit sinabi mong dahil ayaw mo lang akong magalit?"

Game Of Destiny (Every Game #1)Where stories live. Discover now