Kabanata 37

612 18 2
                                    

Warning: This chapter contains of sensitive issue. Please read at your own risk.

Do not do this at your home. When you are experiencing mental exhaustion and you are having a suicidal thoughts, please talk to your trusted friend or one of the member of your family. Help yourself to calm down and breathe properly. And then after that, you can always seek for help. We all know that help is always available. Depression is not a joke.

And if you have a friend, or even you are not close with her/him and you noticed some unusual posts of her/him, you can always talk to that person. Coz, one of us can save a life if we are not inconsiderate. Be sensitive as always, muns.

September is a suicide prevention month.

Kabanata 37

"What happened ba kasi?" Umismid si Vica sa akin. "Iyon na 'yon? Hindi mo binigyan ng chance?" Umirap pa siya. "Cael, my god huh? Alam kong guilty ka pa rin hanggang ngayon pero it's obvious that guy is really into you!"

Humugot ako ng malalim na hininga bago tiningnan ang babae na nanggugulo na naman sa maliit kong shop. Nagtitingin-tingin siya ng mga damit at kung anu-ano pa nang mapadpad ang pag-uusap tungkol sa nangyari three years ago.

"Kung totoo talaga 'yan, hindi ko na rin alam kung paano ko pa siya kakausapin."

She made a face. "Paano, tinaboy mo e." Inayos niya ang buhok at lumapit sa akin. "Hanggang kailan ka ba dadalhin niyang guilt mo? May anak kayo at tatlong taon nang hindi nagkakasama ng ayos ang mag-ama."

"H-Hindi ko naman siya pinagbawalan na makipagkita kay Chase, Vica."

"Oo nga, pero syempre aakalain noon na makakatulong sa 'yo na hindi mo siya makita kaya minsanan lang."

"P-Pinupuntahan naman si Chase nila Sandra, minsan nga kasama pa siya..pero hindi ko siya kinakausap."

"Buti pa 'yang si Sandra, mabait unlike her evil mother!" She crossed her arms. "Naiinis talaga ako kapag ganiyan ang mama ng lalaking uh.. for example, mamahalin ko, right?"

Napangiwi ako. "Tigilan mo na si Travis ah."

"You always know my answer about that. Oh, birthday ni Chase sa friday ah? Saan ka maghahanda?" She asked, changing the subject.

Umirap pa muna ako bago tumalikod at inayos ang mga damit na ginulo niya. Dahil sa pagiging online seller ko noon ay nakatulong iyon para makapagpatayo ako ng maliit na shop dito sa Lipa. Sumuporta rin naman sina Mama at Papa ganoon na rin ang dalawa kong kapatid na maya't-maya kong kinukuhanan ng litrato para sila ang maging model ko. Nagresigned na kasi ako sa hospital.

"Sa bahay, malamang."

"Papuntahin mo si guy?"

"It's up to him." I said in a dismissive tone.

She chuckled annoyingly. "You're already inlove with him right?"

Hindi ako nakasagot. Tila natulos ako sa kinatatayuan dahil sa itinanong niya.

Hindi ako makapaniwalang nakaya kong umalis sa mga bisig niya nang gabing iyon, siguro hindi ko rin iyon magagawa, kung hindi niya ako hinayaan.

I was so devastated. I was disappointed on myself, I just wanted to rest for the rest of my life. I couldn't even know how we ended up like this.

Padabog na nabuksan ang pinto sa ibaba. Hindi ko iyon pinansin kahit dinig na dinig ko. Nagpapasalamat na lang ako na tulog na tulog si Chase sa kuwarto niya nang silipin ko. Hindi na ako nag-abalang palitan itong dress ko at dumiretso na agad ako sa pag-aayos ng mga gamit namin.

Game Of Destiny (Every Game #1)Where stories live. Discover now