Kabanata 18
"What? Parang papatayin mo ako ah?" Natatawang aniya nang tumigil sa pagpasok dahil sa matiim kong tingin sa kaniya.
"Bakit narito ka?" Taas-kilay kong tanong.
He blinked twice. He looked at me and then to his son who's now sleeping on my shoulder. "I wanted to see him. Why? Galit ka na naman ba?"
"He's already asleep." Umirap ako at tumalikod na.
Hindi ko na siya pinansin kahit na narinig ko na ang pagsarado ng pinto. Dumiretso na ako sa kuwarto namin ni Chase at dahan-dahan siyang ibinaba sa kaniyang crib. Sandali siyang gumalaw ngunit nang tapik-tapikin ko ang kaniyang binti at kumanta ng mahina ay nagtuloy din ang tulog niya.
"Ngayon lang siya nakatulog? It's late."
Napatalon ako sa gulat nang magsalita siya sa likuran ko. Kunot-noo ko siyang nilingon. Napanguso siya nang mapansing nagulat ako.
"Sino may sabi sa 'yong pumasok ka rito?"
"Bukas naman ang pinto kaya ako ang nagsabi sa sarili kong pumasok na." Umirap siya at tumingin kay Chase. "Bakit ngayon lang siya nakatulog?"
I heaved a sigh. "He's waiting for you."
He was stunned. Naramdaman ko iyon, lalo na nang mabilis siyang lumingon sa akin bago humugot ng malalim na hininga.
"I'm sorry."
"It's okay, Sage." I was looking at my baby when he spoke again.
"Did he ask about me?"
"Oo, paulit-ulit ka niyang tinatanong sa akin-"
"And then what did you tell him?"
I rolled my eyes. "Sandali lang kasi. Kung pinapatapos mo ako." Tiningnan ko siya at naroon na kay Chase ang mga mata niya.
"Sinabi ko na busy ka sa work mo at baka bukas ka na makapunta rito."His forehead creased. "What? Bakit naman iyon ang sinabi mo?"
"Oh eh, malay ko ba. Sana kasi nagtext ka sa akin na pupunta ka pala ngayon..." Humina ang boses ko nang gumalaw si Chase.
"I forgot." Mahinang sambit niya rin.
"Dito nga tayo sa labas. Baka magising si Chase." Lumabas na ako ng kuwarto at hinintay ko siyang sumunod sa akin at nang parehas kaming makalabas, sinara ko na ang pinto.
Tumungo ako sa maliit na living room at umupo sa couch. Nanatili siyang nakatayo kaya sumimangot ako.
"Maupo ka, Sage."
Bumuntong hininga siya bago umupo. "What now? May pag-uusapan ba tayo?"
Mariin ko pa siyang tiningnan bago nagsalita. "Sana kung mangangako ka sa anak mo, tuparin mo naman at huwag kang magsisinungaling sa kaniya dahil malaki na si Chase, magdadalawang taon na siya next next month at alam kong nakakaintindi na siya." I sighed.
Nanatili naman siyang nakikinig. "Kanina, noong sinabi ko na busy ka sa work mo at baka bukas ka na makapunta, tumahimik siya at tumalikod sa akin.." naalala kong bigla ang ginawang iyon ni Chase. Namasa ang gilid ng mga mata ko. "Ang tagal niyang nakatalikod sa akin, Sage. Nasaktan ako sa ikinilos niyang iyon..bago 'yon sa akin kaya..nagulat talaga ako. Alam kong nagtampo siya.."
Tumingin ako sa kaniya at nakita ko kung paano namungay ang mga mata niya sa akin. "I'm sorry, Cael."
"Wala namang kaso sa akin kung kahit minsan mo lang dalawin si Chase dahil busy ka sa work or sa preparations niyo ng kasal niyo ni Dalmi, pero kung mangangako ka sa kaniya mismo, tuparin mo naman."
YOU ARE READING
Game Of Destiny (Every Game #1)
Romance"Then what's your name, sweetheart?" he whispered. She smirked. Staring at his drunken face. "Hm, why are you asking?" She asked, obviously drunk as well. "You said, you're not her. Then tell me, who are you?" nilapit niya ang mukha sa kaniyang tai...