Kabanata 13

620 17 0
                                    

Kabanata 13

Nag-abang ako ng masasakyan pagkababa ko ng building. Wala pa kasi akong nakukuhang sasakyan. Hindi pa kaya ng budget saka kaya ko pa naman ang magcommute.

Tahimik akong naghihintay nang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko 'yon sa bag at tiningnan ang natawag.

"Hello, Liesa? Bakit?" Sagot ko sa tawag.

"Wow ah. Ang bait mo yata ngayong umaga." She laughed. "Nakaalis ka na ba? Papunta na riyan sina Jane."

Nanlaki ang mga mata ko at naalala na pinapapunta nga pala niya 'yong dalawang nagbabantay kay Baby Chase.

"Liesa! Wag na. May kasama na si Chase."

Natahimik ang nasa kabilang linya at maya-maya pa'y suminghap. "Don't tell me..nariyan si Sage?"

"Huh?" Nangunot ang noo ko at umirap. "Wala ano ka ba. I mean, nagpadala ng dalawang kasambahay si Sage kaninang umaga."

"Wow." Tumawa ulit ang gaga. "Hands on naman pala ang Daddy." Nang-aasar na aniya.

"Baliw." Nailing na lang ako. "Huwag mo nang papuntahin sina Jane."

"Ano pa nga ba. Teka, ilan ang pinapunta niya riyan?"

"Dalawa. Sina Judy at Tina." Sagot ko. Napangiti ako nang may makitang taxi sa hindi kalayuan.

"Ah okay! Buti naman, akala ko hahayaan niya na lang kayo." May nagsalita sa background. Napangiti pa ako nang marinig na boses iyon ni Eric. "Bye na, Cael! Punta ako sa 'yo, mamaya. Sunduin kita!"

"Gaga, wag na!" Natatawang ani ko pa nang bigla siyang humagikhik. "Liesa?"

"Yeah..uh love wait."

Naipikit ko ang mga mata. Ito na naman pala ang exercise nila sa umaga.

"Sige na! Ibababa ko na, Liesa! Bye!" Huling sambit ko at pinatay na ang tawag.

Grabe talaga ang dalawang iyon. Buti at hindi pa nabubuntis si Liesa. Wala namang kaso sa kanilang dalawa kung maiisipan na nilang magpakasal, parehas naman silang mayaman. Saka college pa lamang kami ay magkasintahan na sila. Nakakatuwa at nagtagal ang samahan nilang dalawa.

Itinaas ko ang kamay nang makitang padaan na ang taxi kanina. Napangiti ako nang tumigil iyon sa harap ko saka ako sumakay.

Bumaba ako sa harap ng malaking gate kung saan ako ngayon nagt-trabaho. Binasa ko ang name ng hospital na ito na specialised for older adults gaya na lamang ng mga lolo at lola na hindi na kayang alagaan sa kanila at dito na lamang dinadala.

Love Medicare Hospital.

Agad akong pumasok at nginitian pa ang security guard na naroon. Sumaludo pa ito sa akin kaya natawa ako, mabait naman talaga ang security guard na nakaduty ngayon, hindi ko lang alam sa gabi pero baka ganoon din.

Mabilis na tumakbo ang oras sa akin. Hindi ko alam pero ganoon talaga kapag nag eenjoy ka sa ginagawa mo. Break namin kaya naman nagawa kong lumabas sa may garden ng hospital at pinanood ang mga matatandang nagpapahangin.

Nginitian ko ang iba nang mapatingin sa akin. Kinuha ko ang cellphone at tinawagan si Tina.

"Hello po, Ma'am?"

Ngumiti ako at bahagyang hinaplos ang braso. "Kumusta, Tina? Si Baby Chase?"

"Ayos lang naman po, Ma'am! Ito nga po at naglalaro na sila ni Sir Segio." Bakas ang galak sa boses ng babae.

Nangunot ang noo ko. "Teka, nandiyan si Sage?"

"Ah opo, Ma'am. Kararating lang po. Gusto niyo bang kausapin?"

Game Of Destiny (Every Game #1)Where stories live. Discover now