Kabanata 24
Ilang sandaling tumahimik sa aming salas. Pinaupo ako ni mama sa sofa at sinenyasan si Carlo na kumuha ng tubig, mabilis na tumalima ang kapatid ko. Tahimik si Papa na nakatayo at nakatingin sa may bintana.
"Halika rito, hijo." Tawag ni mama kay Sage na parang naestatwa na yata malapit sa pintuan.
Nilingon ko si papa at masama talaga ang tingin niya kay Sage.
"Ma, ito po ang tubig." Inabot ni Carlo ang baso kay Mama na agad namang pinainom sa akin.
"Salamat, ma."
Hinaplos-haplos niya pa ang likuran ko. "Marel, naiintindihan ko ang naging takot mo." Ngumiti siya sa akin. "Nabinyagan na ba si Chase?"
Kumalabog ang dibdib ko nang nakita ko ang mabilis na pagbaling ni papa sa akin.
Lord, wag po sanang magalit si papa.
"O-Opo, mama."
Kitang-kita ko ang pagkadismaya ni mama kaya mahigpit kong hinawakan ang baso. Dahan-dahan ko iyong ibinaba sa table at baka mabasag pa.
"Hindi mo kami naisip?" Bumuntong hininga si papa. "Hindi mo man lang naisip na umuwi rito kasama ng anak mo ng mas maaga?"
"Pa, may trabaho rin po ako..at natatakot akong ibyahe si Chase. And isa pa, hindi ko pa po pinapakilala si Chase sa ama niya. Gusto ko pong bago ko dalhin ang anak ko rito..ay nakapag-usap na kami ni Sage."
Tumango si mama sa akin at hinawakan ang braso ko. Kumalma ako dahil doon.
Galit na binalingan ni papa si Sage na kalmadong sinalo ang mga nakakamatay niyang tingin.
"Anong trabaho mo?"
I looked at Sage. He shifted his weight. "Uh..may mga negosyo po ako."
Nangunot ang noo ko at napahinga ng malalim. Buti na lang hindi niya sinabi na higit pa sa negosyong meron sila ang kaniyang tinutukoy. Baka pag binanggit niyang CEO siya ay lalong magalit si papa.
Pinasadahan ng tingin ni papa ang kabuoan niya at hindi na sinundan iyon.
"Saan kayo nakatira, Marel?" Nanatili kay Sage ang mga mata niya.
"May maliit po akong condo sa Manila, papa."
"Dito na kayo tumira."
Nalaglag ang panga ko. Napatingin si Sage sa akin.
"Papa."
Tumingin siya sa akin. "Ano pang ginagawa niyo roon kung wala ka naman palang asawa o kahit boyfriend?"
"Pa, may trabaho po ako sa hospital." Halos mangiyak-ngiyak ko nang sinabi.
"Sinong nag-aalaga sa apo ko kung ganoon?"
"Sir, may kinuha po akong dalawang kasambahay nila at iyon po ang nag-aalaga sa anak ko." Singit ni Sage. Matikas siyang nakatayo malapit sa may pinto namin.
Pagalit siyang tiningnan ni papa bago tumango.
"Buti naman. Hindi por que ikakasal ka na ay pababayaan mo na ang anak mo." Umiling-iling siya. "Hindi ko na alam ang nangyayari sa mga kabataan ngayon. Ilang taon ka na?"
"I'm already twenty-eight, Sir."
"Twenty-eight?!" Gulat na lumingon si Papa sa akin. "Hindi ba at twenty-three ka lang?"
Ngumuso ako. "Twenty-four na po ako."
Umirap si papa sa akin. Nakagat ko ang dila.
"Ilang araw kayo rito?"
YOU ARE READING
Game Of Destiny (Every Game #1)
Romance"Then what's your name, sweetheart?" he whispered. She smirked. Staring at his drunken face. "Hm, why are you asking?" She asked, obviously drunk as well. "You said, you're not her. Then tell me, who are you?" nilapit niya ang mukha sa kaniyang tai...