Kabanata 7
Hindi ako mapakali habang palapit sila. Natulala na rin yata si Liesa dahil doon na lamang nakatitig sa tatlong taong paparating.
"Mr. Fortus and Ms. Cortel, have a seat." Nakangiting ani Eric sa lalaki, iminuwestra ang upuan sa harapan ko.
Napalunok ako at napaayos ng upo.
Tumango ang lalaki kay Eric at agad na inalalayan si Dalmi umupo.
"Aray!" Nakagat ko ang labi nang mapatingin silang lahat sa akin. Walang emosyong nakatingin sa akin si Sage kaya lalo akong kinabahan. "S-Sorry."
Nawala rin naman sa akin ang atensyon nila dahil may sinabi na si Eric na hindi ko maintindihan. Agad kong tiningnan nang masama si Liesa. Kinurot niya ako sa hita! Buwisit!
Lumapit siya ng bahagya habang kunyaring sumisimsim sa hawak na baso.
"OMG, Cael. Gosh. Nandito talaga sila." Paimpit na bulong niya.
Hindi naman ako makasagot dahil natatakot akong mapalingon sa amin ang dalawa. Palihim kong tiningnan si Sage kuno. Seryoso lang siyang nakikinig sa sinasabi ni Eric, sumisingit si Dalmi kaya tumitingin din siya sa nobya. Hindi ako bitter kaya aaminin kong guwapo talaga siya. Bagay sa kaniya ang suot ngayon.
Gucci pa yata 'to. Taena. Ang yaman!
Maayos ang buhok niya. Nakaparte sa gilid at medyo natatakpan ang kaniyang noo. At kanina nang lumapit siya sa harap ko, amoy na amoy ko ang bango niya.
Chase, kaharap ko ang tatay mo! Kaya naman pala ang guwapo-guwapo mo, baby. Sa kaniya ka pala nagmana.
Muntik na akong mapatalon sa kinauupuan nang bigla niyang ilipat ang tingin sa akin. Wala siyang emosyon. Para lang siyang nakatitig sa pader.
Yawa, hindi naman por que maliit ang akin, ay talagang pader na akong tingnan!
Tinaasan ko siya ng kilay nang hindi pa rin niya inaalis ang tingin. Nangunot ang noo ko nang taasan niya rin ako ng kilay! Aba!
"Hindi mo ba kami ipapakilala, Love?" Kinikilig na sambit ni Liesa kay Eric habang nakatingin kay Dalmi.
Girl crush pa yata nito si Dalmi e.
"Oh! Right. I forgot!" Tumawa si Eric. Tumingin siya sa dalawang nasa harap.
Doon lamang inalis ni Sage ang mata niya sa akin.
"Mr. Fortus and Ms. Cortel, this is Analiesa Semira." Tumingin siya sa jowa. "My girlfriend."
"Hello po!" Tumayo pa siya at ngiting-ngiting inabot ang kamay kay Sage. "Hello po, Mr. Fortus. You looked great today!"
Tipid na ngumiti ang lalaki at inabot ang kamay ni Liesa. "Thank you, Ms. Semira. You looked good too."
Napanguso ako. Bumungisngis pa ang kaibigan ko bago inabot ang kamay kay Dalmi. Tatayo pa sana ito ngunit agad na pinigilan ni Liesa.
"OMG! Hello, Ms. Cortel!" Inabot niya ang kamay dito. "I'm really fan of yours! I love your fashion style and your dresses!" Ngiting-ngiting ang gaga. "You looked gorgeous as always!"
Taena. Sa akin, hindi naman 'to ganito.
Ngumiti si Dalmi. "Oh, so sweet of you. Thank you so much, Ms. Semira-"
"No! It's Liesa! You can call me Liesa, Ms. Cortel."
"Alright. So call me, Dalmi too."
Muntik na akong masamid nang makitang ngumiti itong si Dalmi. Shuta. Ang ganda naman talaga nito!
YOU ARE READING
Game Of Destiny (Every Game #1)
Romance"Then what's your name, sweetheart?" he whispered. She smirked. Staring at his drunken face. "Hm, why are you asking?" She asked, obviously drunk as well. "You said, you're not her. Then tell me, who are you?" nilapit niya ang mukha sa kaniyang tai...