Kabanata 33
"Sage! May trabaho nga ako!" Mabilis na apila ko sa sinabi niyang huwag na akong umalis ng bahay ngayong umaga. Hindi pa rin siya tapos sa usaping iyan. Nakabihis na ako't lahat ay nangungulit pa rin siya.
Hindi siya natulog sa tabi ko kagabi kundi sa lapag siya dahil patuloy ang pang-aasar ko sa nangyari. Hindi niya ako pinansin at natulog na lang sa lapag pero paggising ko naman kaninang umaga ay halos nakayakap na siya sa akin kaya nakatikim na naman siya ng batok.
"Ouch!" He opened his eyes. He tsked. "Wow, good morning too."
Umirap ako. "Lumayo ka nga! Bakit katabi kita?"
"Malamig sa baba."
Hinapit niya ang baywang ko at inilapit sa kaniya kaya agad kong sinangga ang dalawang braso para hindi magdikit ang mga dibdib namin.
Nakahubad pa naman siya ng damit! Ang lalaking ito talaga!
"Malamig pero wala kang shirt!"
"Uminit na e." He grinned. "Ang init ng dibdib mo."
Namula ako. Hinampas ko ang braso niya. "Alis na nga! May trabaho pa ako."
"Dito ka lang."
"S-Sage, papasok na ako."
"May kapalit ka pa, hindi ka pa naman pinapapasok."
Nangunot ang noo ko. "Bakit? Paano mo nalaman 'yan?"
He just smirked at me. Napairap ako nang may maunawaan.
"Anong ginawa mo?"
"Wala akong ginawa, Cael."
"Kung ganoon papasok na ako." Akma na akong babangon nang higitin niya na naman ako. "Sage!"
"Ang sweet mo talaga." He chuckled.
"Parang tanga kasi." Pinilit kong alisin ang mga braso niya sa baywang ko, mas hinigpitan niya iyon. "Ugh! Isa!"
"Bukas ka na pumasok. Hindi rin ako papasok ngayon." Malambing niyang sinabi.
"Okay lang kasi mayaman ka naman kaya bitawan mo ako at maghahanap buhay ako!"
Bumuntong hininga siya at tumitig sa akin. Napalunok ako nang makitang may kaguluhan ang buhok niya at namumungay pa ang mga mata. Pulang-pula ang mga labi niya at hubad pa ang pang-itaas.
Salamat po sa biyaya ngayong umaga.
"Nandito naman ako. Hindi mo na kailangang magtrabaho."
That caught me off guard. "H-Hindi puwede iyon."
"Bakit?" Bahagya siyang ngumuso. "I can provide anything for my son and of course.. for you, Cael. Kaya rito ka na lang sa bahay."
"May pamilya ako. Tinutulungan ko pa rin sila mama."
"Okay, buwan-buwan akong magpapadala sa kanila." Mabilis niyang sinabi.
Nanlaki ang mga mata ko. "Sage!"
"What? Okay, linggo-linggo na lang." He smiled.
Mahihimatay yata ako sa lalaking ito.
Mabilis akong bumangon at hindi niya iyon napaghandaan. Nakawala ako sa mga bisig niya. Tumayo ako sa gilid ng kama at hinarap siya.
"Cael.." Dahan-dahan siyang umupo sa kama.
"Sage, kargo ko ang pamilya ko. Baka isipin ng mama mo na pera talaga ang habol ko sa 'yo."
"Gusto mo na ako?"
Natuliro ako. "Huh?"
He bit his lower lip. "Sinabi mo baka isipin ni mama na pera ko lang ang habol mo, kung ganoon..gusto mo na ako? Ako na ang habol mo?"
YOU ARE READING
Game Of Destiny (Every Game #1)
Romance"Then what's your name, sweetheart?" he whispered. She smirked. Staring at his drunken face. "Hm, why are you asking?" She asked, obviously drunk as well. "You said, you're not her. Then tell me, who are you?" nilapit niya ang mukha sa kaniyang tai...