Kabanata 1
Naalimpungatan ako. Pakiramdam ko ang sikip kung nasaan man ako. Bahagya akong gumalaw at muling nagtangkang matulog.
Ngunit sa sobrang sakit ng ulo ko ay alam ko ng hindi na ako makakatulog nito.
"Aray." Hinawakan ko ang braso na parang nangalay yata sa puwesto ko.
Malamig naman ang pakiramdam ko pero bakit naiinitan ako?
Nangunot ang noo ko nang mahawakan ang makapal na kumot na nakabalot hanggang dibdib ko. Mabilis kong iminulat ang mga mata at madilim na paligid ang bumungad sa akin.
Nasaan ako?
Kinurap-kurap ko ang mga mata upang makita ng ayos.
Nasa kuwarto ako. Madilim dahil sa malalaking kurtina na nakatabing sa mga bintana. Ginala ko ang tingin sa buong kuwarto. Maganda at amoy pang mayaman. May isang table sa gilid ko at may lampshade pa. May malaking flatscreen sa may paanan ko at sa gilid noon ay isang pinto palabas yata.
O papuntang veranda?
Nangunot ang noo ko nang may gumalaw na kung ano sa paanan ko. Dahan-dahan ko 'yong sinilip at natutop ko ang bibig nang muntik na akong mapasigaw!
Pucha, bakit may ibang paa rito!
May katabi ako?
Mariin kong pinikit ang mga mata nang may mainit na brasong yumakap sa akin at hinila ako palapit sa kaniya.
Tumambol ang dibdib ko nang maramdaman ang mainit niyang hininga sa may leeg ko.
"Hmm.." aniya pa!
Halaa! Ano 'to?
Pilit kong sinilip ang lamanglupang nasa likod ko.
Unang bumungad sa akin ang matangos niyang ilong na sakto sa may tainga ko. Sumunod ang mahahaba niyang pilik-mata na tila sa babae lamang makikita. Gulo ang may kahabaan nitong buhok na umabot na sa kaniyang noo. Bumaba ang mga mata ko sa kaniyang labi na natural ang pagkapula lalo na ngayon.
Ang guwapo niya.
Ipinilig ko ang ulo sa naisip. Mabilis kong hinagilap ang alaala kung bakit ako narito. Nananaginip ba ako? Please! Sabihin niyong nananaginip lang ako!
Halaa! yare ako!
Cael naman! Anong ginawa mo?
Nanlaki ang mga mata ko nang unti-unting bumalik ang mga pangyayari kagabi.
Ang pangyayari sa pagitan naming dalawa ng estrangherong lalaki.
Kinagat ko ang labi nang maalalang pagkatapos naming maghalikan sa bar, niyaya niya ako sa place kuno niya! At siyempre ako si gaga, na nadala ng kalasingan at kamunduhan! Pumayag!
"Malapit na tayo?" Titig na titig ako sa kaniya habang mabilis siyang nagmamaneho.
Kinagat niya ang labi. "I don't want to bring you in a hotel. I think you deserve my condo, sweetheart."
Namula yata ako sa sinabi niya. Alam ko kung anong gagawin namin ngunit tila walang protesta na nagaganap sa loob ko. Excited pa nga ito.
Gosh!
Mabilis niyang sinara ang pinto nang alalayan ako pababa. Mahigpit ang kapit ko sa braso niya samantalang nakaalalay naman siya sa likod ko. Ramdam ko ang pagkaliyo habang naglalakad.
Sa elevator pa lang ay panay na ang haplos ko sa kaniya. Ewan ko! Hindi ko mapigilan!
He chuckled. "Calm down, sweetheart. We'll get there."
YOU ARE READING
Game Of Destiny (Every Game #1)
Romance"Then what's your name, sweetheart?" he whispered. She smirked. Staring at his drunken face. "Hm, why are you asking?" She asked, obviously drunk as well. "You said, you're not her. Then tell me, who are you?" nilapit niya ang mukha sa kaniyang tai...