Kabanata 34

589 17 0
                                    

Kabanata 34

Tulala ako nang mabasa kung saang restaurant niya nais makipagkita. Nag early out ako para hindi hassle. Hindi ko rin sinabi kay Sage dahil baka hindi siya pumayag, saka mag-uusap daw kami.

Nagbayad at nagpasalamat ako sa grab bago bumaba. Magj-jeep lang sana ako kaya lang baka malate ako at mainip itong si Dalmi kaya no choice.

Hinanap ko agad siya nang makapasok. Hindi naman malaki itong place saka dalawa lang yata ang tao. Hapon na rin kasi e. O kaya, sinadya niyang maunti lang ang tao para masabunutan niya ako?

Argh! Ano ba itong iniisip ko? Ang bad ko naman. Pinag-iisipan ko siya ng masama.

May nagtaas ng kamay sa dulo, hindi ko iyon pinansin. Hindi naman ako waitress. Napatigil lang ako nang mapansin kung sino ang nagtaas ng kamay.

Engot, Cael! Si Dalmira pala!

Dali-dali akong naglakad palapit sa kaniya. Seryoso siyang nakatitig sa akin kaya kabado ako habang palapit.

"Kanina ka pa?" Tanong ko agad.

She smiled a bit. "Hindi naman. Have a seat."

Ang malumanay ng boses niya, halatang mayaman talaga.

Tumango ako at agad nang umupo. Tumingin siya sa akin saka bumuntong hininga.

"Hindi na ako magpapaligoy, Miss Cael."

"Cael na lang." Naisingit ko pa talaga.

"Okay, Cael." She sighed again. "Gusto lang kitang kausapin tungkol kay Sage."

Napaayos ako ng upo. "A-Anong meron?" Gaga! Nagtanong pa talaga ako kahit alam ko na naman.

"May anak kayo." Diretso niyang sinabi, ni hindi siya kumurap.

"M-Meron nga." Nakagat ko ang labi.

Bahagya siyang umiwas ng tingin. "I can't believe it. Parang kailan lang nung tinanong niya ako na maging girlfriend niya, tapos ngayon.." hindi niya tinuloy ang sasabihin.

Tumingin siya sa akin. Napamaang ako nang makitang namumula na ang mga mata niya.

"Alam kong wala akong karapatan lalo na at hindi naman kami tunay na engaged."

Kahit na sinabi na ito ni Sage, nagulat pa rin ako dahil galing ito mismo sa kaniya. Ibig sabihin, totoo talaga na hindi sila tunay na ikakasal.

"Pero, magkasintahan kami." She swallowed. "At ang malaman na may anak siya sa iba ay sobrang nagpapasakit sa akin."

"I'm sorry." Sinserong sinabi ko. Bahagya akong yumuko. "H-Hindi ko alam."

Hindi siya nagsalita. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin hanggang sa magtama ang paningin namin. Sinusubukan niyang kumalma pero nang makita kong manginig ang mga labi niya ay hindi ko na kinaya.

"I'm so sorry, Dalmi." I bit my lower lip. Nahihiya ako sa kaniya.

"Labas ka sa aming dalawa." She breathed. "Nakapag-usap na kami ni Sage at sinabi niyang pakakasalan ka niya."

Mariin kong ipinikit ang mga mata. Nakaramdam ako ng inis sa lalaki. Bakit kailangan niya pang sabihin? Hindi ba siya makaramdam na nasasaktan si Dalmi?

Hindi ko na talaga alam ang iisipin ko.

"Aware ako kung saan ako lulugar sa kaniya. Hindi ko siya gusto, ganoon din siya sa akin kaya pumayag kami sa gusto ng mga magulang namin." She looked at me. "Kaso natalo ako. Nagustuhan ko siya. Gustong-gusto ko siya, C-Cael."

Natigilan ako nang marinig ang paghikbi niya. Hindi ako nagsalita. Nakaramdam ako ng galit sa sarili. Ganito na ba ako kasama para manakit ng isang tao?

Game Of Destiny (Every Game #1)Where stories live. Discover now