Pasensya na kung natagalan, super busy lang po talaga. Nagkasabay-sabay ang mga gawain ko. Saka nablangko rin ako, nabuhos sa last chapter lahat(〒﹏〒)
Kung nakaabot ka na hanggang dito, maraming maraming salamat sa iyong oras at effort upang maghintay ng ud's at basahin ito <333
Wakas
May humalik sa pisngi ko kaya agad akong nagmulat ng mga mata. Bumungad sa akin ang ngiting-ngiting mukha ni Sage.
Umirap ako. Sa una lang ba talaga nakakatuwa ang pagmumukha nito?
"Bakit ka ba nanggigising?!" Asik ko.
Tumalikod ako at muling pumikit.
He chortled. "Good morning, baby. Breakfast is ready, get up!"
Ipinadyak ko ang paa at nagtaklob ng unan sa mukha. "Kumain na kayo ni Chase! Mamaya ako."
"Nakaalis na si Chase." Gumalaw ang kama at bumungad ang mukha niya sa harapan ko. "Hindi ka pa ba nagugutom? Tanghali na."
Nangunot ang noo ko. "Huh?" Iminulat ko ang mga mata. "Tanghali na?"
"Uh-huh." He smiled and kissed my lips. "I love you."
"Hmm, I love you too." Ikinawit ko ang dalawang kamay sa batok niya at muli siyang hinalikan. "Tara na sa baba."
Kinagat niya ang labi at dinilaan iyon bago tumango. Inayos niya pa ang buhok ko at sabay na kaming bumaba sa kitchen.
Wala nang toothbrush-toothbrush, later na lang.
"Nakaalis na si Chase? Bakit hindi ako ginising?" Hawak ko ang likod habang naglalakad. Nakaaalalay naman siya.
"Mahimbing ang tulog mo kanina. Hinalikan ka na lang niya sa noo."
Ngumuso ako. "Sa noo? Sabi ko sa lips."
"Cael, seven years old na si Chase, hindi na iyon hahalik sa 'yo ng ganoon."
Tiningnan ko siya at hindi na lamang nagsalita. Tumungo kami sa dining area. Nakagat ko ang dila nang ipaghila niya ako ng upuan at alalayan pa talaga paupo.
"Hindi ako baldado, Sage."
"Baka masaktan ka." Tiningnan niya ang tiyan kong limang buwan na. "Hindi ba nasakit?"
Pinakiramdaman ko ang sarili at umiling sa kaniya. "Hindi naman."
Nakakapagtaka na hindi talaga siya sumasakit ng sobra. Samantalang noong pinagbubuntis ko si Chase, halos isumpa ko na ang sakit na ito sa tuwing umaatake.
Kakaiba ang batang ito.
Dalawang taon na ang nakalipas mula noong ikasal kami. Hindi naging madali, lalo na ang pagtanggap ko sa kaniyang mama. Hindi rin naman ako tanggap ni Mrs. Fortus but at least naging mabait siya sa akin. Kaso, hindi ko lang maiwasan na tarayan siya pag minsan.
Hindi naman ako isip-bata pero kasi nakakapikon ang ugali niya. Palagi lang sinasabi ni Sage sa akin na pagpasensyahan ko na. Syempre, ako bilang mabait na babae, pumayag na rin.
"Are you really sure with each other?" Tumaas ang kilay ni Mrs. Fortus.
Sage sighed as he held my hand sofly. "Ma, we already talked about this, right? Pumayag ka na, noon."
Kumibot ang labi ni Mrs. Fortus. "Y-Yeah but I didn't expect this soon, son."
"Mahal ko si Cael."
Napatingin ako kay Sandra na biglang humagikhik. Tumabi siya kay Mr. Fortus na tahimik lang namang nakikinig sa amin. Wala pa siyang sinasabi mula nang maupo kami rito sa harapan nila, ang asawa niya lang ang panay ang bukas ng bibig na parang hinahayaan lang niya.
YOU ARE READING
Game Of Destiny (Every Game #1)
Romance"Then what's your name, sweetheart?" he whispered. She smirked. Staring at his drunken face. "Hm, why are you asking?" She asked, obviously drunk as well. "You said, you're not her. Then tell me, who are you?" nilapit niya ang mukha sa kaniyang tai...