Kabanata 29

570 18 1
                                    

Kabanata 29

Tuwang-tuwa si Mama at Papa sa kabibuhan ni Liesa. Tuloy ay panay ang paglalagay ng pagkain ni mama sa kaniyang pinggan nang maghapunan kami. Hindi naman makatanggi si Liesa kahit na diet daw siya.

"Ang sarap magluto ni Tita!" Bulalas niya habang nagpapatuyo ng buhok. Nakaupo siya sa may tukador ko.

"Hmm! Masarap talaga." Natatawang sinabi ko habang tinatapik-tapik si Chase sa aking tabi.

Sumilip siya sa akin sa salamin. "Tulog na?"

"Hmm." I kissed my baby on his forehead. Inayos ko ang pagkakahiga niya.

"Sabay na lang ako sa inyo pag aalis na kayo sa Sunday."

"Wala kang lakad?"

"Wala. I cleared out my schedule for the weekend. And isa pa, pumayag ang love ko." Humagikhik siya at pinatay na ang blower. "So ano? Kuwento ka. I know may kakaibang nangyari. Iba ang glow ng mukha mo e."

Nangunot ang noo ko. Lumapit ako sa kaniya at mahinang hinigit ang upuan paharap sa kaniya.

"Paanong glow naman? Wala naman akong ibang ginagamit."

"Oo nga. Pero wala bang nangyari sa inyo ni Sage?"

Natigilan ako nang muling maalala ang nangyaring halikan sa amin at ang pag amin niya.

"Hey, Cael. I'm talking to you!"

"Lower your voice, Liesa." Nilingon ko si Chase at hindi naman nagising.

"Natulala ka na kasi." Humarap na siya sa akin. "Anong nangyari?"

I pouted. "We kissed."

Her eyes widened. "Really? S-Sandali." Nagpaypay siya ng sarili. "Kailan? OMG! Wala naman kayong inom?"

"Wala. Nung pangalawang araw namin dito saka..umaga iyon."

Tinakpan niya ang bibig at kitang-kita ko ang pamumula niya.

"Paanong kiss? Ano? Nagtagal?"

"Uh.."

"Involved ba ang tongue?" Namula ako.

"Liesa!" Suway ko.

"OMG!" Hinampas niya ako. "Nakakailan ka na ah. Grabe!"

"S-Siya naman ang humalik."

"Baka mamaya magkaroon ng kapatid si Chase." Ngingisi-ngisi siya sa akin.

Ngumuso ako. "U-Umamin siya sa akin."

Hindi pa siya nakakabawi kanina ay muling nanlaki ang mga mata niya.

"P-Pardon?"

"Umamin siyang..may gusto siya sa akin.." lumayo ako nang hindi na siya nakagalaw.

Hanggang sa takpan niya ang bibig at impit na tumili. Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"OMG! Congratulations, babes! You won!" Impit ang mga sigaw niya dahil tulog na si Chase.

Napaikot ako ng mga mata sa kabaliwan niya.

"Liesa, para kang timang." Pilit ko siyang inilayo sa akin, buti naman kumalas siya ng yakap.

Namumula ang buong mukha niya. "Ano ba 'yan! Balak kong ikaw ang surpresahin dahil engaged na ako. Tapos ako 'tong gulat na gulat sa eksena niyo."

"Nagulat din naman ako na engaged ka na."

"Heh! Mas gulat ako sa inyo!" Hinawakan niya ang dibdib. "Kinikilig ako, Cael."

"H-Hindi ko siya gusto."

Game Of Destiny (Every Game #1)Where stories live. Discover now