Simula

1.8K 26 2
                                    

Tinawag agad ako ni Liesa nang mabilis kong sinukbit ang bag pagkaalis na pagkaalis pa lamang ng aming huling guro saka tumakbo palabas.

"Cael! Hoy!"

Lakad-takbo ako sa hallway. Narinig ko pa ang paghahabol niya sa akin. Napabuntong hininga ako.

Niyaya niya kasi akong mag bar ngayong gabi kasama ang iba pa naming mga kaibigan. Friday naman daw ngayon kaya wala kaming iintindihin bukas. Sila, walang iintindihin dahil anak mayaman naman. Eh ako? Na umaasa lamang sa part-time job ko? Walang pahinga sa akin.

Narinig ko ulit ang sigaw niya na tumigil ako sa mabilis na paglalakad. Nilingon ko siya at tinawanan. Inis siyang napapadyak. Tumawa ulit ako at humarap na sa una.

Ngunit natigilan ako sa nahagip ng aking mga mata. Sa bandang gilid katabi ng puno, nakaupo sa hindi kalayuan si Paulo. Katabi niya ang sinasabing bagong girlfriend niya. Nakapatong ang ulo nito sa lamesa at mukhang tulog na tulog samantalang nakangiti naman dito ang lalaki.

Nanikip ang dibdib ko. Hindi ko maiwas ang mga mata kahit na hindi ko gusto ang nakikita.

Marahan na hinawi ni Paulo ang takas na buhok ng babae. Ngumiti siya at may sinabi pa.

At sa hindi malaman na kadahilanan, tumulo ang mainit kong luha.

"Hoy! Grabe ang bilis mo maglakad!" May humawak sa bag ko at hinigit iyon. "Cael?"

Kahit hindi ko aminin, ang sakit pa rin talaga. Nasasaktan pa rin ako.

"Cael? Ayos ka lang?" Napalingon ako sa kaniya. Nanlaki ang mga mata niya. Taranta ko namang pinunasan ang mga luha at inayos ang sarili. "What happened?"

"A-Ah..wala. Kainis kasi 'tong mga nagwawalis dito, nalipad tuloy ang mga alikabok!" Nagkunwari pa akong nagpapagpag ng kung ano.

Ngumiwi siya at may tiningnan. Namilog ang mga mata ko nang tinatanaw niya sina Paulo. Lumingon siya sa akin.

"Hindi ka pa rin nakakamove on?" Umiling siya na parang dismayado. "Dalawang buwan na, Cael oh!"

Napairap ako at nagpatuloy na ulit sa paglalakad. Hindi ko na binalak na lumingon pa sa kanila.

"Dalawang buwan pa lang." Ani ko.

"Ako nga, wala pang isang linggo..limot ko na mga nanakit sa akin." Sumunod siya sa akin at humawak sa braso ko. "Tapos ikaw? Dalawang buwan na? Tinamaan ka talaga e 'no?"

Hindi ko siya sinagot at tinarayan na lamang.

Dalawang buwan.

Ang bilis niyang makahanap ng bago. Hindi ko matanggap. Oo nga at ako ang nakipaghiwalay. Pero, ang hirap tanggapin ng may bago na siya.

Diba ang tanga lang. Ako itong nakipaghiwalay, tapos ako itong nagdudusa ngayon. Ako itong hindi pa makaahon. Ako itong umaasa pa rin.

Totoo naman kasi. Umaasa pa rin ako na sana, ako naman 'yong habulin niya. Ako naman 'yong pahalagahan niya. Siya naman ang manguna sa relasyon naming dalawa.

Nakipaghiwalay ako kasi nakakapagod. Nakakaubos ng lakas. Ang hirap kasi, lalo na at siya ang una kong naging boyfriend. Takot ako sa commitment. Pero nang dahil sa kaniya, sinubukan ko. Ayon, talo.

Kumbaga, para sa kaniya laro lang ito. Laro lang kung anong mayroon sa amin. Magaling lang siya sa salita pero hindi niya magawa ng tama. Ako ang laging nag aadjust sa aming dalawa. Ako ang laging umiintindi. Nakakaubos. Nakakapagod pala.

Nakipaghiwalay ako para marealize niya na mali siya, na ang dami niyang pagkukulang sa akin..pero hindi. May bago na. At mas nasasaktan ako kasi sa kaniya niya ipinaparamdam 'yong nais kong maramdaman. Sa kaniya siya nagmatured. Sa kaniya siya naging maintindihin. Kitang-kita ko lahat ng 'yon. At ang sakit lang.

Game Of Destiny (Every Game #1)Where stories live. Discover now