SmB 29

155 4 2
                                    

Napabuntong hininga ako pagkatapos kong sagutan ang test paper. Sumandal ako sa upuan at tumingin sa labas ng classroom. Inaalala ko kung paano nagmakaawa si Rey sa'kin, palaging naghihintay sa labas katapat ng inuupuan ko. Pinilig ko ang ulo ko saka tumayo, bumaling muna ako sa mga kaibigan ko pagkatapos ay naglakad sa harap.

"You can go now, Ms. Santiago."

Tumango ako kay Sir Mark saka bumalik sa upuan, nagpaalam ako sa mga kaibigan ko na nagsasagot pa. Nauna akong umuwi sa kanila dahil may appointment pa ako sa Doctor ko ngayon.

Luminga-linga ako sa paligid, nagbabakasakaling susulpot siya. Kahibangan mo, Kirstein! Nung isang araw lang ay tinataboy mo siya, ah? Napailing ako saka mabilis na bumaba. Nakita ko kung paano lumingon sa nilalakaran ko ang kabilang department, engineering.


Hindi ko sila pinansin, kagaya ng palagi kong ginagawa dalawang linggo ang lumipas. Oo, dalawang linggo simula nang naghiwalay kami ni Rey at kalat iyon sa buong college department. Nakakatawang biglang nag-ingay si Charie pagkatapos ng hiwalayan namin ni Rey. Of course, Rey pursued me. But right now, he's nowhere to be found.


Malapit na ako sa parking nang nakitang nakaabang si Charie. Napairap ako, wala bang pasok 'tong babaeng 'to? Tsk! Hindi ko sila pinansin, umiwas ako ng ibang daan pero hinabol ako ni Charie saka pinagkrus ang braso. Tinaasan niya ako ng kilay. Pagod na pagod na ako kakaiwas sa babaeng 'to.

"Ano na naman, Charie?"

"Narito ako upang ibalita sa'yo—"


"Oo na, ikakasal na kayo ni Rey." Rinding-rindi na ako sa babaeng 'to.


"Pwede ba, umalis kayo sa harapan ko kung ayaw mong tadyakan kita ulit jan." tinabig ko siya at inirapan ang mga alipores niya.

"DON'T WORRY, hindi ka invited."

"Ge lang."


Pinatunog ko ang sasakyan ko. Narinig ko ang frustration niya nang makapasok ako sa sasakyan ko. Matalim ang tingin niya sa loob ng sasakyan ko, umirap saka umalis doon. Dabog-dabogan.

Pinaandar ko ang sasakyan ko. Pero hindi ako umalis agad.


Ang daming nangyari sa loob ng dalawang linggong paghihiwalayan namin ni Rey. Inaalala ko kung paanong ayokong bumalik sa kanya. Inalala ko kung gaano siya kababaw magmahal, inalala ko kung paanong hindi niya ako pinaglaban sa magulang niya, kung paanong pinahiya niya ako sa harap ng pamilya ni Charie. Inalala ko iyon upang hindi ako matuksong balikan siya. At ngayon, dalawang araw na nang hindi ko siya nakikita. Kaya naman naging sentro ako ng bullying ni Charie, but she's the least of my concern right now.

Umalis ako ng school at dumiretso sa hospital. Naroon na si Kuya, kung saan ako isasalang sa heart surgery. Pagkarating ko roon ay ininstruct na agad ng doctor kung anong mangyayari sa araw ng operasyon. Nababakas sa mukha ko ang takot sa mangyayaring operasyon pero hinawakan lang ni Kuya ang kamay ko at sinasabing malalagpasan namin 'to.

Umalis kami ng hospital pagkatapos ng isang oras. Kumain muna kami ni kuya sa malapit na restaurant. Hindi pa nakakauwi sina Mommy at Daddy galling balesin, nauna lang si Kuya dahil aasikasuhin niya daw ang pag-uwi ng fiancé niya.

Pagkatapos kumain ay bumalik na ako sa school. Nakatanggap ako ng text galing kay Usanna na nasa canteen sila ngayon. Dumiretso ako roon pagkatapos i-park ang sasakyan ko. Kumaway agad si Usanna nang makita akong papasok ng Canteen. Umupo ako sa tabi ni Jules na nagpapak ng chichirya. Gusto ko sanang humingi pero hindi ako pwede.

Steal My BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon