SmB 12

111 4 2
                                    

Tahimik ako nang lumabas ng bathroom ng hospital room ko, naabutan ko si Mommy na nag-aayos ng mga gamit namin. We're going home and it's already 1:00 PM.

Wala akong natanggap na text galing sa kanya. Hindi rin ako nakatanggap ng text sa mga kaibigan ko. Two PM ang laro ng VB girls, makakaabot naman siguro ako.

"Mommy, can you just drop me to school?" napahinto siya sa pag-aayos ng gamit at hinarap ako.

"Why anak?"

"May laro po kasi si Usanna at si Rere ngayon.." matagal bago nakapagdesisyon si Mommy pero si Daddy na mismo ang sumang-ayon.

"Okay, we'll drop you sa school.." malaki ang ngiti ko habang nagsusuklay.

I just wear a high waisted ripped jeans and pair it with black knitted crop top. The top hugs my body and it shows curve. I sprayed my perfume and got my things. Naka white sneakers lang rin ako.

Aakalain ng lahat parang hindi ako naospital pero seryoso, sanay na ako sa ganito.

Ini-drop nga nila ako sa school. Naglingunan ang ibang estudyante sa'kin.. Yung iba ay nagbubulung-bulungan pa habang nakatingin sa'kin. Alright, hindi naman ako bobo. Pero ano na namang isyu 'to? Tsk.

Hindi ko nalang sila pinansin at dumiretso sa Volleyball Court. Maraming tao kahit mainit. May tent naman pero hindi ako sumisik do'n. Hinanap ko ang team nina Usanna. Nakita ko naman ang mga bakla kasama ang team. Pumunta agad ako do'n, saktong kakatapos lang ng hindi ko alam kung pang ilang set na.

"Pang-ilang set? Panalo?" napako agad ang tingin sa'kin ng mga bakla at nagtilian ito. Tinawanan ko nalang sila. Pinayungan na rin nila ako kasi mainit sa kinatatayuan nila.

"Ano ba 'day, akala ko saturday ka pa lalabas!"

"Pwede na daw ako lumabas eh. Gusto kong makita si Usanna maglaro. Go Usanna!" Napalingon naman siya sa'kin at malaki ang ngisi niya.

"Nakita niyo ba si Rey?"

"Kaninang lunch, baka nagreready na sa laro. Patapos na rin 'to. Last set! Panalo tayo panigurado."

Nagfocus na lang ako sa panonood kahit na tinitingnan ako ng mga tao. Ano na namang meron sa mukha ko?

"Ganda mo ti, nashoshomboy ako sa iyo!" tumawa ako sa kanya at pabirong siniringan. "Aba maldita!" Tumawa nalang ulit ako.

Eto ang tunay na saya para sa'kin. Everything feels so light.

Nanalo sa pangatlong set sina Usanna. Dali-dali siyang tumakbo patungo sa'min at niyakap ako.

"Ano?! Kumusta? Wala bang masakit sayo? Bakit ngayon ka lumabas?!!!"

"Hoy usanna ha, ang laway mo nagtatalsikan!" Sinamahan namin siyang magbihis pagkatapos namin siyang picture-ran. Finals na bukas, makakalaban nila ang IT students.

Pagpasok namin sa Gymnasium ay namangha ako sa sobrang dami ng tao. I can still remember the CVRAA that was held in my hometown, halos punuin no'n ang court. At ngayon, damn it. Dinoble ang dami ng tao.

"Teka, don tayo sa baba. May nireserved na seats si Rey para sa'tin eh." Wala akong choice kundi makipagsiksikan na rin. Halos hindi ako makalusot sa dami ng tao.

Finals na ba?! Ang wa-wild ng mga 'to! Hindi kami magkarinigan ng mga kaibigan ko dahil sa sobrang ingay. Nang sa wakas ay nakalusot na kami ay dumiretso agad kami sa bleachers na bakante. Wala doon ang team nina Rey. Uupo na sana ako nang mahagip ng mata ko si Charie. She's wearing shades. Napataas ang kilay ko.

She's obviously here for Rey. Hindi ko na siya tiningnan pa at inilinga nalang ang mata sa crowd. Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko kaya nilabas ko ito.

Steal My BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon