SmB 10

84 6 2
                                    

KINABUKASAN, Saturday. Maaga akong nag-ayos since isang subject lang ang papasukan ko. 7 AM class 'yun kaya hindi ako nakapagjogging.

I just wore a checkered pencil skirt and a floral top. I match it with a white sneakers and I'm good to go. Nagpaalam na ako at sumakay na sa sasakyan.

6:45 ay nasa school na ako. Ganun din ang ibang kaibigan ko, 'yun nga lang walang schedule si Sherlock ng Saturday. He just texted the details of the bar. 7 PM start ng Party niya. I don't know much about bars kaya nagtanong-tanong lang ako kina Usanna.

"Sherlock came from a wealthy family, his family owned a five star hotel and a bar." Si Riela.

"They own the bar, yung pupuntahan natin."

Tapos na ang klase namin. Nasa canteen kami naglulunch. Nag-uusap kami sa susuotin namin. 7-12 PM kasi ang sched namin ngayon.

Sobra akong kinakabahan, that would be my first time going to a bar. I'm still 19 though, but I'm not innocent. I know what bar is and what kind of people are in bars.

"He invited almost half of the students ha? Bongga ng bakla. Iba na pag rich." Nagkuwentuhan lang kami hanggang sa isa sa amin ang nagyayang umuwi. Natulog lang ako at nagising ng 5 PM.

Nagready na ako by 5:30. I just wore a burgundy velvet knee length dress and matched it with beige block heels. I don't feel wearing a stilletos. I put some light make up but fierce. Alam ko kasing mahuhulas lang 'to. Bar is a bar. Wild ang mga nasa bar but some goes there to chill. Iba ang pagkakaintindi ko sa Bar.

Nakaalis ako ng bahay ng 6:00 at nakarating ako sa bar ng 6:50. Tinext ko si Usanna, nandun na pala siya sa loob. Lumabas siya at nakasuot siya ng leather skirt at halter top. Naka-bun din ang hair niya gaya ng sa'kin.

"Wow, ang ganda mo lalo Tintin! Tara na, magugulat ka kung sino ang nasa loob!"

Nasa parking na ang sasakyan ko at pumasok na kami sa loob. Sobrang dami ng tao at iilan lang ang kakilala ko. I know some of our blockmates. Iginala ko pa ang tingin ko. Napahigpit ako sa purse ko nang nakita si Rey sa couch.

He's just wearing a dress shirt and it fits on him perfectly. He's damn hot, alright.

"Do'n tayo sa nakareserved na table. Nakahanda na rin ang drinks. You can drink?"

"Oo, let's go." but not hard liquors. Hindi ko sinabi 'yun.

Nakaupo na kami sa couch where Rey and his friends are sitting. They are already drinking. Napalunok ako nang maamoy ang pamilyar na amoy. It's addicting, it's his scent. Nakita ko pang may shot glass na hawak si Rey sa left hand niya and he's talking to his friends. He did not see us nang nakaupo sa couch dahil busy siya sa pakikipag-usap.

Dumating na rin ang mga kaibigan ko. Kumakain kami nang lingunin ako ni Rey. At hindi na naalis ang tingin niya sa'kin. In his 5th shot ay tumayo siya.

Tumayo rin ang mga kaibigan ko at naiwan ako sa couch. Umiinom ako ng wine nang tumabi si Rey sa'kin. "I didn't know you drink," nilingon ko siya. Tumikhim ako bago magsalita

"Hindi ko rin naman sinabi." He smells so good.

I put my flute glass down. Nakalahati ko yun kaya medyo sumama ang mukha ko. Shit, bakit parang kinakabahan ako? Is it because of the wine?

"You're so red," kinuha niya ang glass ko. "Hindi ka pwedeng uminom nang marami." nag iwas ako ng tingin.

"So kapag namumula na ako, lasing na ba ako nun?"

"As long as you're still normal, you aren't." Tumango tango ako habang kinukuha ang flute glass ko.

Binawi niya ang glass ko na may kalahating wine at ininom iyon.

Steal My BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon