SmB 24

98 3 1
                                    

Pagkatapos makawala sa harapan ni Charie ay bumitaw ako agad sa hila ni Rey. Inirapan ko siya nang ngisihan ako nito.

"Anong ngiti-ngiti mo d'yan?!"

Ayos ah, abnormal ata 'tong isang 'to!

Hinuli niya ang kamay ko nang papasok na kami sa Canteen. Kinurot ko ang bandang tiyan niya pero halos hindi ko makurot dahil sa nag-uumapaw na abs. Bwesit na 'yan!

"Hey, I'm sorry baby." Hinahabol niya pa rin ako habang mabilis akong naglalakad patungong table namin.

Nandoon na ang mga bakla at si Usanna pero wala si sir, nasa faculty na siguro. Mabilis din akong umupo ang inirapan ang nakangising boyfriend ko.

"Ay, lq ti. Tara order tayo, alam ko namang bistek ang favorite ng babaitang nagmamaldita. Suuus! Buti nalang maganda ka-Aray!" Hindi natapos ni Rico ang pagsasalita dahil tinampal ni Riela ang bibig niya.

"Tara na, bumabaho na dito dahil sa bunganga mo letsi ka!"

Umalis na silang apat kaya naiwan kaming dalawa.

"Abnormal ka! Ba't ka ba ngiti nang ngiti d'yan?!"

"You're so adorable. Ako na dapat magagalit diba? Damn."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Seriously? Anong ginawa ko para magalit ka? Kanina lang, ang ganda ng mood mo!"

"Easy. It's about the SJU pride okay?"

"Oh, tapos?"

"I know you'd be the representative for your department sa duets. Pero I can't sing."

Kinunutan ko siya ng noo.

"Sana sinabi mo hindi 'yong umaattitude ka nang hindi ko alam ang dahilan."

"I know, it's just that hindi ko talaga gusto yung duet. Don't get me wrong, your voice is really like an angel even when singing that I just wanna hear you every time, pero.."

"Pero ano? I can back out, love. Kung ayaw mo. Busy rin ako, I need rest too dahil nga sa nalalapit kong surgery diba?"

"No, it's fine. Ayoko lang sa kaduet mo."

"Ha? Sinong ka-duet ko?"

"Well, i-it's the new student."

"Who? Ang laki ng school, paano ko malalaman sino?"

"Damn it, it's stefan."

"Kumakanta 'yon??"

"Unfortunately, yes."

"You're jealous, love?"

"No."

"Weh?"

Nag-iwas siya ng tingin. Namumula din ang tenga niya. Tinawanan ko siya habang tinatakpan niya ang tenga.

Dumating din kaagad ang mga kaibigan ko. Kaya umingay ang table namin. Kumakain kami nang umingay ang buong canteen. Napatingin ako sa entrance at nagtama ang tingin namin ni Stefan. Agad naman siyang umiwas.

Nagpatuloy ako sa pag kain nang tumayo si Rey. Napatingala ako sa kanya saka nilingon ang tinitingnan niya. Unang nahagip ng mata ko ay si Charie na nakakrus ang mga braso habang nakangising tumitingin sa table namin.

Saka ko nilingon si Stefan na ngayon ay nakatayo sa likod ko. Hinila ako ni Rey sa tabi niya. Jusko, kumakain lang naman ako. Parang anytime magkakasapakan ang dalawang 'to dahil sa intense ng pagtitinginan. Nabaling ang tingin ni Stefan sa'kin saka ngumiti.

Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko pero si Rey ang tumanggap. Kita sa mukha ni Stefan ang dismaya dahil sa ginawa ni Rey. Matagal bago bumitaw sa pagkamay ang dalawa.

Steal My BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon