SmB 19

114 5 3
                                    

Warning: SpG

Matapos ang dalawang linggong sembreak ay naging busy na naman ako school. Magkaklase pa rin kaming lima, ibig sabihin tuloy ang kulitan.

Naglalakad kami sa hallway nang biglang humarang si Charie. Matalim niya akong tiningnan. Magsasalita na sana ako nang unahan ako nito ng sampal. Matagal bago ako nakagalaw.

"Is she crazy?"

"Omg, eto na naman."

"Shet ang sakit nun."

"Ano bang problema mo?!"

"Walang hiya ka! Ang kapal ng mukha mo! Bakit hindi ka nalang magpakamatay?!" Hinawakan ko ang side na sinampal niya saka siya inilingan.

"Mauna kang bruha ka! Naaning ka na naman! Hanggang saan ba iyang inggit mo't hindi mo malubay-lubayan 'tong kaibigan namin?!"

"Charie, we can talk about it later. Privately, not here. You causing a scene."

"I DON'T CARE, YOU SLUT!" Malakas na sigaw niya dahilan ng pagkatahimik ng buong hallway.

"Ano, ha? Masaya ka na? Na ikaw yung pinili niya?"

Napatuwid ako ng tayo sa sinabi niya. Somehow, I understand what she felt. She was happy with him not until I came. I stole him from her. And her anger was made because of her love for him. And I think it's natural. Dahil ganoon din ang naramdaman ko nang siya ang kasama ni Rey, inggit.

"C-charie-"

"Masaya na kami eh, yun na yun na eh. Yung lalaking pinakamamahal ko, nasa akin na. Pero bakit? Bakit ka pa dumating? Bakit ka pa bumalik? Sana namatay ka na lang!"

"Stop acting like you know what I have been through, Charie!"

"Of course I know! Kaya nga sana namatay ka na diba?!"

"Charie, una palang, hindi siya naging sa'yo. Hindi mo ba matanggap na hindi ka niya minahal? Na all along, you lied to him? Na ano ulit iyon? CHARIE HAD CANCER?" Siya naman ngayon ang napamaang at napaatras.

"Bakit hindi mo sabihin sa mga taong nandidito kung paano mo silang pinaniwalang naghihingalo ka na pala?"

"Kung namatay man ako, hindi ka pa rin magiging masaya sa piling niya. Dahil hindi ka niya kayang mahalin, hindi ka niya kailanman minahal." Saka siya tinalikuran.

Bago makalayo ay huminto ako saka siya nilingon.

"And one more thing, you assumed too much that's why you are hurting, Charie. Ni hindi nga naging kayo, eh. And please stop flirting with my boyfriend. Baka.. hindi mo gugustuhing lumapat sa mukha mo ang kamay ko." Tsaka ako mabilis na lumiko.

I will never back down when I know I am right. Tss. Pababa na ako ng hagdan nang marinig ang boses ng mga kaibigan ko.

"Ano 'yon?! Ang taray mo don, Ganda! Saan mo natutunan yung mga linyang 'yon?! Sabi na eh, bagay ka talagang maging artista!"

"Korek! Ang hebi ng mga linyahan ng isang Kirstein Scarlette Santiago!" Tas nag apir silang apat. Nginitian ko lang sila saka dumiretso sa Canteen. Napalayo pa tuloy kami sa Canteen.

Umorder na agad ang mga bakla at naiwan kaming dalawa ni Usanna sa table namin. Nasa akin ang atensyon ng mga pumapasok palang sa Canteen.

"Masyadong bitter ang babaeng 'yon, hindi ko tuloy maisip bakit ko siya hinangaan ng ganun dati. Pero teka ganda, sabi mo kasi kanina masyado siyang nag assume at hindi pala talaga naging sila?!"

Tumango ako saka kinuha ang cellphone kong nagriring.

"Edi ano yun dati? Bakit ang sweet-sweet nila sa isa't-isa?" Napaisip rin ako sa tinanong niya.

Steal My BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon