SmB 17

114 4 0
                                    


Wala nang mas komportable pa sa hinihigaan ko. Matigas ang unan pero hindi masakit sa ulo. Ang ganda ng tulog ko. Napamulat ako nang gumalaw ang unan ko. Nakatingin na si Rey sa'kin habang nakangiti. Bigla ay naconscious ako sa sarili ko, kaya pasimple kong pinahid ang mata ko. Chinecheck kung may muta.

Nakalimutan kong magkatabi pala kami ni Rey. I was comfortable sleeping on his arms. Unan ko pa rin ang braso niya at nakaharap siya sa'kin. Pumikit ako at iniisip na panaginip lang lahat ng 'to.

Pero napadilat ako nang isang mainit na halik ang iginawad niya sa noo ko. Shit, totoo nga! Totoo rin 'yong halik niya sa'kin! Ang iyak ko. Akala ko talaga panaginip lang lahat ng iyon.

Napakurap-kurap ako nang hilahin niya ako at niyakap ng mahigpit.

"Y-you're real?" Hindi tunog tanong iyon. When did my voice became sweet? What the heck, and we're on the same bed!

"Good morning, you slept well in my arms huh."

Shit. Parang gusto kong tumakbo palabas ng kwartong ito at magtago. Nahihiya ako dahil sa bango ng hininga niya. Ang natural na scent sa katawan niya ay nakakawala ng ulirat. Oh my gosh, Kirstein! What the fuck are you talking about?

"N-na-nagugutom na ako," bumangon ako at lumayo sa kaniya.

Napatingin ako kabuuan ng kwarto. Wala doon ang mga kaibigan ko pati si Kuya. Pero may foods na sa side table at paborito kong prutas. Mommy brought that! Pero nasaan sila?

Bumangon na rin si Rey at tumayo para uminom ng tubig. Nailipat ang tingin ko sa pinto at niluwa doon ang mga magulang ko. Nagngising aso siya nang tuluyang makapasok. Ganoon din ang Daddy!

"Good morning anak, guess you're okay now because..." Naglalaro sa labi ni Mommy ang ngiti. Bakit ang assuming ng mga tao ngayon?

Umiling ako saka humiga ulit. Bumangon ulit ako nang lumapit si Mommy sa bed ko. Sinimangutan ko siya sa malaking ngisi niya. I know what she's thinking! Napangiti nalang ako sa huli.

"Your friends might visit again after class, anak. Anong gusto mong kainin?"

"Bistek mommy," bumaling ako kay Rey na nakangiting nakatingin sa'kin. Inirapan ko siya.

"You still have class, pumasok ka muna." Really, Kirstein? Do you have to be that sweet voice?

"My class would be 9 AM, don't worry.." tumango ako at sumandal sa headboard.

Nakatitig siya sa'kin kaya iniwas ko ang tingin sa kanya. Nag-init ang pisngi ko nang maalala ang sinabi niya kagabi. Steal my name. Napalunok. Is..he going to marry me?

Parang may humaplos na mainit sa puso ko. Making me wander my thoughts. He has plans of marrying me, and I can't lose that. I can't lose him.

"Hey?"

Napabalik ako sa huwisyo nang hinawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako sa mga mata niyang walang kasing lungkot.

"Anong iniisip mo?" nahihimigan ko doon ang takot sa boses niya.

"It's just nothing. I want to eat." he smirked with what I said. Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kung ano ang iniisip niya. Nasapak ko siya nang malakas siyang tumawa. Kainis 'tong lalaking 'to!

"Me too, I want to eat." seryoso ang mukha niya nang sabihin iyon.

Kinuha ko yong pagkaing dala niya at nilagay sa lap ko. Napapikit ako nang maalala ang imahe ng pinanood nila Usanna sa school! Shit. Anong nangyayari sa'kin?!

Tumayo si Rey at nakatalikod siya sa'kin. I can't deny that even his broad shoulders and sexy back can make other girls moan his name. I've witnessed that, sa school. Maraming nagkakandarapa sa kanya. The way he licked his lips sexily, the way his lips curve when he smiles. Damn it, and he's mine.

Steal My BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon