SmB 30

79 1 0
                                    



Smb 30

Kitang-kita ko ang panghihina ni Rey kahit nasa malayo ako. Pero hindi ako huminto, dali-dali akong lumayo roon.

"Tin!"

Hindi ko iyon pinansin, pero bago ako makababa ng hagdan ay may humawak sa braso ko. Nilingon ko ito pero nalungkot ako nang hindi si Rey ang humawak sa'kin. Agad kong inalis ang braso ko sa pagkakahawak niya, nilayo ko ang sarili ko saka bumuntongg-hininga. Hindi siya sumunod.

"Tin, can we talk?"

"We can talk tomorrow, Stefan. Kelangan ko ng umuwi."

"Please, ngayon lang.."

"Ah, importante ba 'yan?" halos mabali ang leeg ko dahil kakatingin ko sa likod niya. Ang tangkad naman nito!

"Kung hindi 'yan importante, ipagsabukas mo nalang. Mauna na a-"

"Gusto kita, Kirstein!" Napahinto ako. Wth?!

"But you have a girlfriend,"

"I know.. I just like you, so mu-"

"OMG!" napasigaw ako nang may pumatid sa kanya sa likod! Napatakip ako sa bibig ko nang tinangala ko ang pumatid.

"GAGO KA!" Halos pumutok ang ugat niya sa ulo dahil sa galit.

"ANO BANG PROBLEMA MO PARE?" Hindi paman nakatayo si Stefan ay binugbog na niya ito.

"REY!"

Inawat ko siya, hinawakan ko ang braso niya upang kumalma siya. Hinimas ko ang kamao niya para mahimasmasan siya kahit papano. Tumingin siya sa'kin, malambot ang tingin niya sa'kin. Agad kong iniwas iyon, hindi ko kayang tingnan ang mga mata niyang puno ng pagsusumamo.

"HUWAG NA HUWAG KANG LALAPIT SA GIRLFRIEND KO!"

Stefan scoffed as if he heard the funniest joke.
Naramdaman ko na naman ang panginginig ng braso niya dahil sa galit, pilit ko siyang hinahawakan. Tiningnan ko siya sa mata, nagmamakaawang huwag nang pumatol. Kumalma ulit siya at hinawakan ang kamay ko. Tinalikuran namin si Stefan at umalis sa lugar na 'yon.

"Ang dali mo namang makuha ang gusto mo? Sinaktan mo siya tapos hahabulin mo Pathetic."

"Stefan, stop it!"

"No, kirstein! Ilang beses ka pa bang babalik d'yan kahit ginagago ka na?"

"Kahit ilang beses pa niya 'kong saktan, pipiliin ko pa rin siya.." halos ibinulong ko iyon sa kanya, nawawalan ng lakas.

Iniwan ko silang pareho roon, pero mabilis na hinawakan ni Rey ang kamay ko. Bago pa ako makapagsalita ay hinigit niya ako palayo roon. Dumiretso kami sa parking lot, bumitaw ako sa pagkakahawak sa kanya. Nanlaki ang mata niya nang makitang lumayo ako sa kanya.

"A-ah, may sasakyan ako.."

"Uh-huh,"

"Uwi na 'ko."

"Sa akin ka uuwi."

"Bata pa ako, Rey."

Tumawa siya nang malakas sa narinig niya. Uminit ang pisngi ko kaya tinalikuran ko siya. Shet, ano bang nangyayari sa'kin? Napatili ako nang hinawakan niya ang bewang ko at niyakap patalikod.

"Uuwi ka sa'kin.. I did not bring my car, ako magdadrive ng sasakyan mo."

Kinuha niya ang bag ko at hinawakan ang kamay ko. Gusto kong magmatigas na ayaw ko siyang kasama, pero ang lintek kong puso kong ito ayaw magpaawat. Halos mahilamos ko ang mukha ko. Hindi, hindi ako sasama. Wala na kami diba?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 17, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Steal My BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon