SmB 13

127 4 1
                                    

Warning: Medyo SPG hehe

Umandar ang sasakyan niya. Hindi ko alam kung saan kami tutungo, nagulat nalang ako nang mainit na palad ang humawak sa kamay ko. Napangiti akong tiningnan ang mga kamay namin.

Pinagsalikop ko ang mga kamay namin at hinigpitan ito. Naisip kong kuhanan ng picture ang kamay namin pero iniabot niya ang phone niya sa'kin.

"Take a picture of it, please.." kahit mahirap ay kinuhanan ko ito sa iba't-ibang angles. Nang makuntento ako ay inilagay ko sa dashboard ang phone niya.

Dahil hawak niya ang kamay ko, para na rin ako ang kumokontrol sa gear. Natawa nalang ako.

Napahawak naman ako sa hawakan nang lubak-lubak ang daan. Muntik pa akong mauntog nang may malaking bato ang nadaanan namin. Buti nalang hawak niya ang kamay ko at nahila niya ako papunta sa kanya.

"Are you okay?" Nag aalala niyang tanong.

"O-oo.." umayos ako ng upo at pasimpleng inangat ang braso na awkward na nakapatong sa hita niya. Tumikhim ako at tumingin sa labas ng bintana.

Maya-maya pa ay huminto ang sasakyan. Napanganga ako nang makita ang kabuuan ng lugar. It's a cliff! At sa baba nito ay paniguradong ang syudad ito.

Nilibot ko ang paningin sa lugar, may mga picnic tables pa. May railings malapit sa cliff. Kami lang ang tao sa lugar na 'to.

"Wow!" Manghang-mangha kong sambit.

"You like it?"

"I love it here!"

"Let's chase the sunset here," nilingon ko at nagulat ako nang nakatingin ito sa'king nakangiti.

Tumango ako nang sunud-sunod at humawak sa railings. This is so relaxing!

"Ngayon ko lang nalamang mayroon ganito sa lugar natin. Look, SJU 'yan diba?" Turo ko sa mataas na gusali.

"Yes."

"A-ang ganda dito, Rere.. Thank you for bringing me here!" niyakap ko siya nang mahigpit.

"Mas maganda ka." natawa na lang ako at humiwalay sa yakap. Pinanood ko ang pagbago ng kulay ng langit. Nagiging kulay kahel na ito at unti-unti na ring dumidilim ang paligid.

Nilabas ko ang cellphone ko at kinuhanan ng litrato ang pagset ng araw.

"I have always loved your laugh, dahil sa cellphone lang naman tayo nagkakausap. But I didn't know na may iba akong mamahalin sa'yo ngayon.. it's your smile."

Humarap ako sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko at dinala niya iyon sa labi niya.

"You have completed me, Tintin.. I've been wanting you to be mine. I have waited for you, I was lost but you found me." hindi ko alam pero naiyak ako nang tuluyan sa harap niya. His words melt my heart.

"I love you Tintin, will you be my girl?" natutop ko ang bibig ko sa biglaang pagluhod niya.

He's proposing! Oh, my Rere. Naiiyak akong tumango at hinila siya patayo para mayakap siya.

Steal My BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon