SmB 6

66 6 1
                                    

SMB 6

"Tintin.."

"D-dad!"

Nagulat ako. Papasok na kasi sana kami nang lumabas siya sa D.O

"You're here already,"

"A-ah Dad, these are my friends. Usanna," turo ko kay Usanna.

"Hi po!" Nginitian siya ni Dad.

"Rico, Jules, John Riel..." nakipagshake hands sila kay Dad at sobrang tuwa ni Dad sa kanila.

"Dad, anong ginagawa niyo dito? We still have class."

"Oh? That.. you have check up today so I-I will go-"

"Dad!"

"Check up? Tito, bakit?" Si Usanna.

Damn it.

"Ah, well-"

"We'll talk later Dad. At home" and I walked out.

"Ganda" sigaw ni Usanna. They're already following me.

"Hoy teh, ayos ka lang?" Huminto ako at hinarap sila. "Ayos lang, tara na baka ma-late pa tayo." At nagsimula na uling maglakad.

Pagkadating sa room ay siya ring pagdating ng prof kaya wala silang magawa kundi makinig nalang.
Nagfocus nalang ako sa pakikinig.

Discuss
Discuss
Discuss

Pagkatapos ng dalawang panghapong klase ay, nag antay nalang kami para sa huling dalawang klase.

"Ganda..." nilingon ko siya. Naiiyak si Usanna.

"Kung hindi ka pa ready, dito lang kami ah?" Hindi ko siya sinagot, nanatili lang akong nakatingin sa malayo.

"Ano ka ba te, para namang hindi mo kilala 'yan. Magsasabi yan, wag mo ipressure. Ang OA ha?!" Si Rico

"Ay ganun?" At natawa sila.

Kaya ayokong pumupunta ng school ang parents ko eh. They will just interfere. I want a normal life, I want to be a normal student pero heto sila, nakabuntot. Hello? Malaki na kaya ako hmm.

Tahimik lang kaming lahat nang pumasok si Brian sa room

"Oh bading, ba't ka humahangos?" Tanong ni Jules

"Bakla!"

"Bading! Ano, suntukan nalang oh!" Panghahamon ni Jules kay Brian.

Natatawa nalang ako sa kanila.

"Para naman kayong bata niyan, eh." Tumayo si Usanna para pumagitna.

"Ano ba?! Ba't ka dumidikit sa'kin?!"

"W-what?! Kapal mo Usanna ah! Ikaw kaya dumidikit!" Natatawa ako sa mukha ni Usanna, parang may lumalabas na usok sa tenga niya at gustong sugurin si Brian.

Na-ekis naman ni Brian ang mga braso niya sa ulo niya.

"Ano ba! Sasabihin ko lang namang wala tayong klase eh!" Tas tumakbo palabas.

"Bading talaga."

"Loko kayo, tinakot niyo!" Tawang sabi ko sa kanila.

"Tara, quadrangle tayo." Anyaya ko sa kanila.

"Diba te, sabi sayo eh sus!"

Nagtatawanan na kami papuntang quadrangle nang napansin ko sina Rey at Charie sa may bench katapat ng usual spot namin.

Napalingon sila sa tinitingnan ko kaya umiwas ako at nagmamadaling maglakad.

"Nag-aaway ba 'yun?"

Steal My BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon