SmB 3

163 9 1
                                    

Naalala ko pa pa'nong niloko ako ng isang taong akala ko, mapagkakatiwalaan ko. Taong akala ko, kaibigan ko.

ΞFlashbackΞ


"Rereeeeee!" Tili ko sa kabilang linya. 


"H-hello?"

Ayy, ba't boses babae 'to?

"Hello? Si RD po ba ito?"

"Ba't ka tumatawag sa boyfriend ko?" 

Boyfriend?

"Ah si tintin po ito, nililigawan niya"

"Sa pagkakaalam ko, may girlfriend na siya at ako yun!"

Kinabahan ako bigla. Parang alam ko na 'to e..

"Love, sino yan?" Boses ng isang lalaki at siguro ke Rey yun.

"Nililigawan mo daw!"

"A-ano---" 

*toot toot toot*

"Kirstein?"

So, all this time niloloko lang niya ako? WTH!

Nilingon ko ang nagsalita. So, hindi si Rey ang katext ko. Hindi na siya.. Ang sakit!

"Kirstein! Uyyy? Ba't ka u-umiiyak?"

"Alam ko na lahat."

"K-kirstein?"

"P-pa'no mo nagawa sa akin to, ha?!"

"Please, I'm sorry."

"Akala ko--akala ko ikaw. Akala ko, ikaw yun. Nil-linlang mo lang ako. Manloloko ka!"

"I'm sorry, mahal lang talaga kasi kita kaya ko nagawa 'to."

"Di kita matatanggap. I'm sorry, at hahanapin ko siya."

"Ayokong mawala ka, please."

"Pero hindi 'ikaw' ang minahal ko. Niloko mo ako. Pinaniwalang ikaw siya! Please lang, ayoko sa mga katulad mo. Hahanapin ko yung mahal ko!"

"Pero may mahal na siyang iba, Kirstein!"

"Wala akong pakealam!" 

Niyakap niya ako.. Nang mahigpit.

"Mahal na mahal kita-ako nalang, please?"

"Masasaktan lang kita, Kailey. I-I'm sorry, di kita mahal. Niloko mo ako. Manloloko ka!"

"Please, sorry. Mahal kita!"

"Pero babae ka Kailey! Ayoko sa'yo! At kahit lalaki ka pa, hinding-hindi kita mamahalin! MANLOLOKO!" 

"Please? Nagawa ko lang naman to kasi mahal kita--"

"Pero hindi ikaw ang mahal ko, Kailey! Ang pinsan mo!"

"Pero, may mahal na siyang iba. Diba nga binusted mo siya?"

"Binusted?! Hindi Kailey! Alam mo ang sitwasyon ko!"

Natahimik siya.

"Fine! Nagsinungaling ako. Sinabi ko sa kanya na hindi mo siya gusto at di mo siya mahihintay. Yun lang kasi alam ko para... m-makuha ka."

"To hell with that, Kailey?!"

"I'm sorry.. Di ko kasi kaya na mawala--"

"Ang selfish mo. Tinuring kitang kapatid! At alam mong mahal na mahal ko siya. Akala ko talaga ikaw siya. Kaya pala ayaw mong nakikipag usap sakin sa phone."

"Oo, at sinadya kong ke Rey ako nakikitext. I'm sorry.."

"Kukunin ko siya." Seryoso kong tugon sa kanya

"Kirstein? H-hindi pwede. Masaya na siya!"

"Eh pano ako?! Ha? I hate you! I hate you!"

"I'm sorry."

"...Don't ever talk to me again."

"Kirstein? No. Please, I'm sorry.."

"Three years, Kailey. Three years mo akong niloko, nilinlang.. Pinaniwala mo ako sa kasinungalingan."

Tumango siya habang nakayuko..

Di niya ako masisisi.

"I'll get what's mine, Kailey. You know I can get what I want."

"No--"

"Bye." At tinalikuran siya. Tumakbo ako papasok ng sasakyan at dun umiyak nang umiyak.


ΞEnd of FlashbackΞ


Ang tanga ko, sobra. Naniwala ako sa kanya.

Masyado siyang nabulag sa pag-ibig.

*Tok tok tok*

"Anak, kakain na."

"Lalabas na po mom!"

Inayos ko muna ang sarili ko saka lumabas. 

Pagdating ko sa hapag ay kumpleto na silang lahat.

"Hi mom, Hi dad. Kuyaaaaaaaaa panget hehehe I miss youuu" damba ko sa kanya.

"Bunso naman?" reklamo niya in a slang way.

"How's you first day princess?" tanong ni kuya habang nilalagyan ang plate ko ng food.

"Okay lang naman po hehe. Puro introductions palang po. Excited na nga po akong magseryoso ang klase eh."

"By the way, I bought you new Acctg. Books, new edition!"

Steal My BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon