SmB 16

129 4 2
                                    

Nagising ako dahil sa isang masamang panaginip. Dinig na dinig ko ang makina na alam kong nasa gilid ko. Nandito na naman ako. Inasahan kong makikita si Rey sa sofa na natutulog gaya ng dati akong ma-hospital. Pero nanlumo akong wala ni isang bakas ng Rey doon.

Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto ko at tiningnan ang naroon. Hawak ng kuya ko ang kamay ko at nakasubsob ang mukha sa kama ko. Ginalaw ko ang kamay ko para magising siya.

"Ayos ka na ba?"

"Kuya, s-si mommy?" Napapaos kong tanong.

"Nasa Manila pa, papunta na sila dito. May kelangan ka?"

"Ilang araw akong tulog?"

"It's still 12 am. Buong araw ka lang tulog, nagugutom ka ba? Ipaghahanda kita." Tumango ako.

"Kuya, ang mga kaibigan ko dumalaw na ba? S-si Rey?"

"Hindi pa. Hindi ko sinabi sa kanila, gusto mo sabihan ko sila?"

"H-huwag na kuya. Ah si Usanna nalang po, pakitawagan." Umupo ako nang maayos.

Napapikit ako sa sakit ng ulo ko, naliliyo pa ako.

"Ang sabi ni Mang Emil ay hindi ka man lang nakakakain noong isang gabi at ang sabi ng kasambahay ay hindi ka rin nagbreakfast."

"Nakalimutan ko po kasi, sorry kuya."

"Bunso, hindi galit si kuya pero sana isipin mong mag-aalala talaga kami. Nilagnat ka kaya hinika ka, sa susunod huwag kang magpapalipas ng gutom." Tumango nalang ako.

Binigay niya sa'kin ang nacharge ko ng cellphone. Nagdadalawang isip pa ako kung i-oon ko ba 'to. Nakapikit ako nang i-on ko ito. Nang ma-on ay halos maghang ang phone ko sa maraming messages at missed calls galing sa mga kaibigan ko. Binasa ko ang messages nina Usanna saka tiningnan ang missed calls.

Usanna:
Pagaling ka. Nasa bahay ka na?

Hindi nga nila alam na nasa hospital ako. Ngayon ko lang napagtantong OA nga pala si Kuya, tss.

Usanna:
Informed na ang mga prof sa absence mo.

Usanna:
Di kita macontact. Tawagan o itext mo ako kung ayos na pakiramdam mo.

Usanna:
May sinend akong email sa'yo, assignment natin sa Taxation. Get well, ganda miss na kita :((

Usanna:
Bar hopping kami ngayon.

Usanna:
Sinabi ko kay Rey na nilalagnat ka.

Usanna:
Wala ka daw sa bahay niyo

Rico:
Saan ka? Nasa labas kami ng bahay niyo.

Sherlock:
May nangyari ba? San ka?

Rere:
Baby? Did you leave?

Rere:
Don't leave. Baby, where are you?

Rere:
I'm sorry, baby. Let's talk. Please

Napaiyak ako sa text ni Rey. Napapikit ako sa biglaang pagpitik ng puso ko. Masakit 'yon sobra kaya napatigil ako sa pag-iyak. Halos kapusin ako ng hininga.

"Shit," nagpanic si Kuya kaya may pinindot siya sa gilid ko at siyang pagpasok rin ng Doctor and Nurses.

Hinawakan ni Kuya ang kamay ko nang mahigpit. Napapikit pa rin akong hinahabol ang hininga ko. Nilingon ko si Kuya na taimtim na nakapikit at umiiyak. Ilang ulit niyang tinatawag ang pangalan ko.

"Tin, sabayan mo ako. Inhale.. Exhale.." nakatingin ako sa kanya ngayon at sumusunod sa sinabi niya.

Kinabit ang nebulizer ko and I executed the inhale and exhale gaya ng sinabi ni Kuya hanggang sa naging normal ang paghinga ko. Napahinga ng maluwag si kuya saka ako hinalikan sa pisngi. Basang basa ang mukha niya sa luha.

Si kuya ang pinakamahina pagdating sa'kin, ayaw niyang nahihirapan ako kaya bata palang ako ay hindi siya humihiwalay sa'kin. Lalo na noong nalaman namin ang sakit ko.

"Huwag mong takutin si Kuya nang ganoon, nakakatakot." Napaluha ako sa sinabi niya.

"Shh, kumalma ka lang bunso." Kumalma naman ako. Hawak niya pa rin ang kamay ko. Nasa gilid ko pa rin ang nurse, chinicheck ang kalagayan ko. Ilang sandali pa ay tumunog ang cellphone ko.

"Kumain ka na, ha? Parating na sila Mommy." Tumango ako at kinuha ang cellphone.

[Ganda!]

"O-oh?"

[Saan ka ba? Ayos ka na ba?]

"U-umuwi na kayo, Marie."

[San ka nga? Pupuntahan ka namin!]

Napatingin si Kuya sa'kin at tinanguan ako. Napabuntong hininga ako bago sumagot.

"Nasa dating hospital ako na pinagdalhan sa'kin nung nakaraan," mahinahon kong sagot sa kanya.

[I-inatake ka ba ng hika m-WHAT?] Boses yon ni Rey! Magkasama pa rin sila!

[T-teka sandali, Rey! Hello Tin! Pupunta kami d'yan ngayon at huwag kang humindi!]

"Pauwiin mo na si Rey, ayoko siyang makita." Tsaka pinutol ang tawag.

Steal My BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon