SmB 15

98 5 2
                                    

Ilang linggo na lang ay finals na sa sem na 'to. Subsob kami sa pag-aaral. At ngayong linggo na 'to ang pagdating ng Lola ko. Kinakabahan ako honestly, gusto ko tuloy huwag sumipot sa dinner.



Ilang araw na rin na hindi kami masyadong magkasama ni Rey, sa una binalewala ko nalang dahil sobrang busy ko para sa nalalapit na exams. Minsa na lang kami magkatext at magkatawagan, hanggang sa pagkikita sa school ay hindi na rin namin nagagawa. Iniintindi ko na lang.



Nasa library kami nag aaral nang pumasok si Rey. Hindi niya ako nakita, napansin iyon ng mga kaibigan ko. Ipinagkibit-balikat ko nalang. Marami akong kailangang tapusin na basahin.



Pagkatapos naming magreview ay tumayo na kami para umuwi. Naging dahilan iyon para lingunin kami ng mga estudyante at tulad ng nakaraan ay nagbubulong-bulungan na naman ito.



"Ganda, nag away ba kayo ni Rey?" tanong niya pagkalabas namin ng library.



Nakita naming papalapit sina Sherlock at Kailey sa'min. These past few days, naging okay na kami ni Kailey. At sila na rin ni Sherlock. Ngumiti ako sa kanila bago sinagot si Usanna.



"H-hindi kami nag away, Marie. Busy lang kasi. Hayaan mo na, tatawagan ko siya mamaya." alinlangan siyang tumango at tipid na ngumiti.



"Sama kayo sa'min?" Tanong niya pagkalapit sa'min.



Nagyaya kasi si Sherlock at Kailey kahapon sa bar nila. Ngayon yon, tatanggihan ko na. Gaya ng sabi ko kay Usanna ay tatawagan ko si Rere.



"Kayo na lang, kailangan naming mag usap ni Rey, eh." nilingon ko si Kailey na balisa ngayon.



Nagpaalam na ako sa kanila at dumiretso na sa parking lot. Hihintayin pa no'n ang mga bakla, may practice sila ng VB. Sa parking lot ko na tatawagan at hihintayin sa Rey.



Tinawagan ko ang boyfriend ko nang napansin ang date. Shit, Monthsary namin ngayon! Bakit ko nakalimutan ito?



Hindi niya sinagot kaya binuksan ko ang messages at tinext siya. Wala siyang reply sa 'Good Morning' ko. Hindi ko na siya tinext, tinawagan ko na lang ulit. Ilang ring ang nangyari at pinatay niya iyon.



Binalot ng kaba ang puso ko sa ginawang pagbaba niya ng tawag. Kahit kailan, hindi nagawa 'yon ni Rere sa'kin! Ngayon lang.



"S..sana mali ang kutob ko, Rey.." habang nakatingin sa phone ko. Damn it, ito na ba?


Tinawagan ko ang driver ko para magpasundo. Nakanguso kong tinitigan ang phone ko. Nasasaktan ako kasi wala man lang paramdam si Rey.



Nang dumating ang driver ay nagpahatid ako sa malapit na mall para bumili ng cake at nung napadaan sa ibang food chains ay bumili na rin ako. Pagkatapos bumili ng cake at ibang pagkain ay nagpahatid ako sa cliff na pinagdalhan ni Rey noon. Alinlangan man ay ngumiti pa rin ako sa repleksyon ko sa bintana ng sasakyan.

Steal My BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon