SmB 11

86 6 2
                                    

Hindi ako makatingin sa kanya. Nakayuko lang ako. It feels surreal. Yes, he's here now.

"I called off the engagement." Awtomatiko akong napaangat ng tingin sa kanya. Matangkad si Rey, kaya kahit nakaupo pa ako ay magmumukha pa rin akong maliit. Nagmistula akong nakatingala sa isang god. Damn it, why he can be so handsome at times like this?

"W-why? A-akala ko-" hindi ko natapos ang sasabihin ko.

"Ilang taon akong naghintay sayo, Tin. I don't wanna miss this chance. I won't let you slip away."

"H-hindi ka galit?" umiling siya at napangiwi. "Why would I? I'd rather wait for you, alam ko namang sa'kin ka uuwi."

Seriously? Relax, heart!

"Oh tapos? Paano kung hindi ako lumipat dito?"

"Ako ang lilipat sa'yo." inirapan ko naman siya.

"Paano si Charie?"

"We talked. And I guess she understood," tumango ako. Hawak niya pa rin ang kamay ko. Mainit ang palad niya at nagbigay iyon ng magandang pakiramdam.

"Magpagaling ka, ha?" Tinanguan ko siya at nginitian. "So tayo na?" Tanong ko sa kanya.

Humalakhak naman siya. I playfully frowned. Ang gwapo niya talaga.

"Bakit?" natatawa na rin ako sa kanya. "You're so cute." pisil niya sa pisngi ko.

"Liligawan muna ulit kita, this time personally."

"Ligawan mo na ako ngayon, sasagutin kita ngayon!" seryoso ko talagang sabi sa kanya. Tinawanan lang niya ako at niyakap.

"I want it memorable for you, Tin.. Ilang taon kang wala sa'kin."

"Kahit naman nawala ako, ikaw pa rin iniisip ko tss. And every moment na masilayan kita, is memorable."

Naputol ang sasabihin niya nang tumunog ang cellphone niya. Pumasok rin si Usanna dala ang pagkain ko. Nagpaalam si Rey na sasagutin ang tawag at lumabas ng room.

"Kain ka ng marami, okay?" Paalala ni Usanna sa'kin. Masaya ko siyang nginitian ang kumain.

"Pwede na ba akong lumabas bukas?" Inilingan ako ni Usanna. "Hindi pa pwede, eh."

"Gusto ko manood ng laro ninyo bukas."

"Ayos lang 'yan, your health is our priority right now. Ano, nag-usap din ba kayo nang maayos?" Ngumiti ako sa kanya.

"He called off the engagement," lumaki ang mata niya sa narinig.

"Seryoso? Ang sweet!"

"Kumusta kaya si Charie?

"Sana ayos lang siya, sana mahal siya ng nanay niya. Sana all!" Tumawa kaming dalawa. Namimiss ko tuloy ang mga bakla.

"Papunta na raw sina Jules dito. Panalo sila, yieee!" Napangiti ako.

Magagaling talaga silang maglaro ng VB. Si Rico ang pinakamaliit, pero siya ang libero ng team. Si jules naman magaling rin, magaling siyang magservice at magreceive. Si Riela naman ay spiker, nakita ko na silang maglaro sa PE namin. Masakit mangspike ang mga bakla! Si Sherlock naman ay ang pinakamagaling na Setter, si Rico, Riela at Sherlock ang best tandem as blocker. While si Usanna naman, libero rin siya. Ganid sa bola yan, lahat daw ng bola kaya niyang laruin muntanga.

Pumasok naman si Rey sa room. Nakangiti siyang pumasok. "Kumain ka muna, hindi ka pa kumakain." Tumango naman siya.

Nag-uusap kami ni Usanna nang pumasok sina Mom at Dad kasunod ang Doctor. May sinusulat lang ang Doctor sa isang paper habang nagchecheck sa'kin.

Steal My BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon