J:TFA - Prologo

1.3K 52 33
                                    

Prologue

"Hangal! Isa kang hangal!" Sigaw ng isang nang gagalaiting boses sa isang nakayukong anghel. "Nais mo bang ipatapon ka din katulad ng ginawa niya sa hangal mo ding kapatid?" Dagdag pa na wika nito.

"Mahal ko siya San Pedro." Tugon ng anghel na nakayuko. Agad itong ikinabigla ng matandang anghel na nag ngangalang San Pedro. Ang nagbabantay sa pintuan ng langit.

Hindi lingid sa kaalaman niyang anghel na ito na bawal ang magmahal ng isang mortal lalo na kung ito ay iyong binabantayan.

Ang anghel ay para lamang sa anghel. Ang demonyo ay para sa kapwa nito demonyo at ang mortal ay para lamang sa kapwa nito mortal.

Walang nakasaad sa libro ng Diyos na maaaring magmahal ang isang anghel sa isang mortal. Gayundin ang huli. Ngunit ano nga ba ang magagawa nila kung isang pasaway na anghel din ang nag-udyok sa dalawang nilalang na hindi nararapat magmahalan pero nagmahalan.

"Anghel ka Jasper. Wag mong suwayin ang utos niya. Ayaw kong pati ikaw ay matulad sa kapatid mo." May tonong pag-aalala ang namutawi sa bibig ng matandang anghel. Hindi niya nais na mauwi sa kasawian ang kanyang ipinundar. Siya ang nag-alaga sa anghel na ito at ayaw niya itong malagay sa masama.

"Pero San Pedro hindi ko mapigilan ang sarili ko. Ngayon ko lamang naramdaman ang ganito." Paliwanag ng anghel na nag ngangalang Jasper.

Si Jasper ay nakababatang kapatid ni Lucifer na mas kilala bilang si Satan o Satanas. Hindi rin lingid sa kaalaman ni Jasper kung bakit pinatapon ng Diyos ang kanyang kapatid ilang milyong taon na ang nakakaraan. Ito ay umibig sa isang mortal na hindi binigyang pahintulot ng Panginoon na siya rin naman niyang ginagawa ngayon.

"Hindi na muna kita ibaba sa lupa hangga't hindi mo mapigilan iyang nararamdaman mo sa mortal na iyon." Saad ni San Pedro kay Jasper na agad ikinabigla ng huli.

"San Pedro, hindi maaari. Hindi maaaring mawala ako sa tabi niya. Madaming demonyo ang nagkalat sa lupa na maaaring magpahamak sa kanya. Nariyan ang demonyong nagbabantay sa kanya na si Limas, kung wala ako sa tabi niya maaaring mapahamak siya." Pagpoprotesta ni Jasper sa sinabi ni San Pedro. Napailing nalang ang huli sa tinuran ng anghel. Alam ni San Pedro na hindi iyon ang talagang nais ipabatid ng anghel. Ang nais ni Jasper ay makasama ang mortal na iyon sa lupa.

"Buo na ang pasya ko Jasper. Si Mikaella muna ang ibaba ko para magbantay sa mortal na iyon. Hindi ko hahayaang manaig ang masama sa buhay ng mortal na iyon." Sabi ng matandang anghel kay Jasper. Iniwan na niya ang anghel sa kung saan sila nag-uusap kanina.

"Wag mo lang isuko ang pakpak mo Jasper. Wag na wag." Bulong ng matandang anghel sa kanyang sarili. Ayaw niyang matulid si Jasper sa hangal nitong nakatatandang kapatid.

Ang pagsuko ng isang anghel sa kanyang pakpak ay parang pagtalikod mo sa Panginoon. Isang kasalanang mas mabigat pa sa pagpatay. Kasalanang walang kapatawaran.

Jasper: The Fallen Angel [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon