Wing #7 - Munus Fabula

420 32 31
                                    

Sorry for the long wait? XD

Third Person's POV

"Mahal na mahal kita Alexandria. Pangako, kukunin kita. Pangako, magsasama na tayo habang buhay. Hindi na kita iiwan pa sa muli nating pakikita, Alexandria. Tandaan mo, ikaw lang ang mahal at mamahalin ko. Mahal na mahal kita Alexandria."

Nagsimula nan tumulo ang luha ng dalaga sa mga salitang binitawan ng lalaki. Hindi niya maaninag ang muka nito dahil ito ay papalayo na sa kinaroroonan niya.

"Hintayin mo ako. Hindi ko na mahihintay ang muli nating pagkikita. Isama mo na ako ..."

Hinabol niya ang lalaki ng may luha sa kanyang mga mata hanggang sa ito ay nawala nalang sa kadiliman.

Napadilat ng mga mata si Alexandria sa kanyang napanaginipam. Punong puno ng pawis ang kanyang mga muka at ang kanyang hininga ay malalim na waring tumakbo siya ng napakalayo.

Hindi niya kilala ang lalaki dahil hindi niya ito maaninag pero parang konektado sila sa isa't isa. Parang nalungkot siya sa mga  salitang binitiwan nito sa kanyang panaginip. Parang may kung ano sa kanya na dinudurog habang ito ay nawawala sa kanyang paningin. Pero sino nga ba iyon?

Tinignan ng dalaga ang orasan sa kanyang gilid at nakitang alas singko pa lang ng madaling araw. Ganito na lagi ang kanyang gising mag i-isang buwan na ang nakalilipas simula ng mapanaginipan ang paulit ulit na eksena.

Hindi niya masundan ang storyang kanyang napapanaginipan dahil sa eksenang paulit ulit na iniiwan at iniiwan lamang siya ng lalaki. Hindi niya alam kung bakit. Hindi niya alam kung ano ang nangyari bago ang eksenang iyon at kung ano ang nangyari matapos iyon.

Mag i-isang buwan na niyang iniisip kung sino ang lalaki. Mag i-isang buwan na niyang pinoproblema ang lalaki. Hindi man dapat problemahin ay may kung ano sa kanya na konektado sila ng lalaki at nararapat lamang na alamin niya kung sino ito. Malakas ang kanyang pakiramdam na kilalang kilala niya ang lalaking ito. Malakas ang pakiramdam niyang magkikita na silang muli ng lalaki, hindi lang sa panaginip pero tutuparin nito ang sinabing susunduin na siya.

Nakakakilabot pakinggan pero may kung ano sa kanya na nais na niyang sumama sa lalaki.

*tok* *tok*

Bumalik sa realidad ang dalaga ng biglang tumunog ang kanyang pinto.

"Anak, gising ka na ba?" Tanong ng kanyang ina sa labas.

"Kakagising ko lang po 'ma." Sagot niya habang tumutungo na waring nakikita siya ng ina sa ginagawa.

"Mabuti naman. Nasa ibaba na si Louie. Ang aga nga niya e. Bilisan mo na ang pag-aayos." Napabalikwas siya ng bangon sa tinuran ng kanyang ina.

"Bakit naman ang aga ng bwisit na yun?" Inis niyang bulong sa sarili habang inaayos ang kanyang hinigaan.

Jasper: The Fallen Angel [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon