This will be in Thirds Persons POV.
~~
Nakatanaw ang isang babae sa kisame ng kaniyang kwarto.
Ang lamig ng panahon, sa isip niya. Tinatamad siyang pumasok sa mga dapat pasukan. Tinatamad din siyang bumangon sa hinihigaan niya dahil parang hinihila siya nito upang bumalik sa pagtulog.
Pakiramdam niya ay nananaginip parin siya hanggang ngayon.
"ALEXANDRIA D. CENA! BUMANGON KA NA JAN!" Sigaw ng isang babae mula sa labas ng pintuan ng kanyang kwarto. Hindi na siya nagulat pa sa sigaw na iyon. Uma-umaga na niyang inaasahan ang lakas ng sigaw na iyon.
Sanay na siya sa sigaw ng sa kanya ng kanyang ina tuwing umaga upang siya ay gisingin para pumasok.
"Oo na po." Balik niyang tugon sa kanyang ina habang bumabangon sa kanyang higaan. Nais pa niyang humiga at matulog ngunit madami siyang dapat gawin kaya napilitan na siyang bumangon.
Siya ay nasa ika tatlong taon na sa kolehiyo at kumukuha ng kursong BSEd major in English. Isa rin siyang manunulat sa kanilang paaralan. Sumusuat siya ng mga akdang tungkol sa pag-ibig at mga akdang akma na nararanasan ng mga kabataan ngayon tungkol sa pag-ibig. Mga akdang nagpapakilig, nagpapaiyak at nag-iiwan ng malalalim na palaisipan sa mga kapwa niya estudyante na nagbabasa.
"Sabi ko sayo, matulog ka ng maaga para naman hindi ka na makatanggap ng regalo mula sakin." Saad sa kanya ng kanyang ina pagkalabas niya ng pinto sa kanyang kwarto.
"Hindi po ako nagpuyat kagabi Ma, sadyang napakalamig lang ng panahon ngayon kaya nakakatamad bumangon sa higaan." Paliwanag niya sa kanyang ina habang pababa sila ng hagdan.
"Mga dahilan mo talaga, ang dami. Oh siya, mag-almusal ka na." Pag-aaya sa kanya ng kanyang ina pagkarating nila sa kainan.
Agad siyang naghilamos ng muka sa lababo sa kusina na katabi lamang ng kanilang kainan. Malaki ang tahanan nila. Hindi sila nangungupahan dahil matagal na ang tahanan na ito na minana pa ng nanay niya sa mga magulang nito.
Ganito na lagi ang takbo ng buhay nila ng kanyang ina simula ng namatay ang kanyang ama.
Bago tumuntong sa kolehiyo ay namatay na ang kanyang ama sa isang aksidente. Sa aksidenteng ito ay nakaligtas siya, marahil ay hindi pa niya oras sa mga panahong iyon o di kaya'y iniligtas siya ng kanyang tagapangalagang anghel. Doon siya nagsimula sa pagkahilig sa pagsusulat. Gaya nga ng kasabihan na nagbabago ang isang tao pagkatapos ng isang pangyayari.
"Pupunta ako sa tito mo Alex, sabay na tayo umalis ng bahay." Sabi sa kanya ng kanyang ina habang hinahainan siya ng pagkain. Tumungo na lamang siya. Alam niyang uutang ulit ang ina niya sa kanyang tita dahil wala na silang budget.
Natapos ang pagkain nila at paghahanda para sa umagang iyon at umalis na ng bahay.
Habang naglalakad siya papunta sa paaralan ay lumilipad ang kanyang isipan. Iniisip niya kung totoo ba ang nangyari kagabi o panaginip lamang.

BINABASA MO ANG
Jasper: The Fallen Angel [On-going]
FantasiSi Jasper na isang anghel ay umibig sa isang mortal na taliwas sa utos ng Diyos. Sinuko niya ang kanyang pakpak para makasama ang mortal. Ano ang kahaharapin niyang buhay matapos ito? Magiging masaya ba siya sa pinili niya o ito'y pagsisisihan niya...