"She'll be mine ..."
Jasper's POV
"Ahm, Ma'am Ros—"
"Tita na nga lang hindi ba?" Putol ni Mrs.— este Tita Rosella sakin.
Dalawang araw palang ako dito pero kung ituring niya ako, parang anak.
Tatlong taon na daw kasi simula ng mamatay ang mag-ama niya sa isang aksidente. Wala siyang iba nakakasama kundi ang mga maids at si Manong Zeke, yung driver niya.
Nagtataka nga ako e, wala ba siyang ibang kamag-anak? Pinsan, pamangkin o kapatid manlang?
"Nakakahiya po kasi e." Nakayuko kong saad. Nakakahiya naman talaga kasi. Dalawang araw palang pinamamalagi ko dito sa bahay niya pero kung ituring at pagsilbihan niya ako parang anak. Nakakapanibago. Nakakakonsensya.
"Ano ka ba Jasper, wag kang mahiya sakin. Ang gaan gaan nga ng loob ko sayo e. Para kang pinadalang anghel para magkaroon ulit ng kulay ang buhay ko. Parang ikaw ang pinadala kapalit ng asawa at anak ko." Nabilaukan naman ako sa sinabi niya. Nakangiti pa siya na parang tuwang tuwa na dumating ako. Tsk. Tsk. Kung alam niya lang.
"Ah... sige po Tita." Nakangiti ko nang saad sa kanya.
Gusto kong magsabi ng totoo lalo na't napakabait niya sakin ngunit alam kong bawal. Hindi niya maaaring malaman kung sino talaga ako.
Tatlumpung araw. Ayan lang naman ang mga araw na kailangan kong magsinungaling sa kanya. Matapos yan, sisiguraduhin kong sasabihin ko ang totoo.
"Jasper, mag-shopping tayo ng mga damit mo. Hindi naman pwedeng manghiram ka lang kay Zecario." Nakangiti saking sabi ni Tita. E? Ano naman yung shopping na yun?
"Eh, tita. Ano po ba yung shopping?" Takang tanong ko. Aba, malay ko ba. Walang ganun sa langit.
"Napahagikhik naman si Tita Rosella sa sinabi ko. Anong nakakatawa dun? E sa wala naman talaga akong alam.
"Sa pagkakaalam ko, hindi nauntog ang ulo Jaspr. Haha! Pero sige na nga, ipapamili kota ng mga damit." Natatawa niya paring sabi. Haynaku, medyo may sakit din pala itong si Tita Rosella.
Tinanguan ko nalang siya bilang tugon. Baka mamaya pagtawanan nanaman niya ako sa mga sasabihin ko.
BINABASA MO ANG
Jasper: The Fallen Angel [On-going]
FantasySi Jasper na isang anghel ay umibig sa isang mortal na taliwas sa utos ng Diyos. Sinuko niya ang kanyang pakpak para makasama ang mortal. Ano ang kahaharapin niyang buhay matapos ito? Magiging masaya ba siya sa pinili niya o ito'y pagsisisihan niya...