Wing #10 - Adest

245 12 7
                                    

Third Person's POV


Nagising ang lalaki sa isang pamilyar na lugar. Dito ay nakita niya ang isang napakapamilyar na babae. Ang babaeng kumuha ng kanyang pakpak. Agad siyang napabangon sa pagkakahiga at nilapitan ito.



"Anong ginagawa ko dito?" Tanong nito habang niyu-yugyog ang balikat ng babae. Imbis na salita ang lumabas sa bibig ng babae ay mga ngisi. "Bakit nandito pa rin ako Raziel?" Muli niya tanong habang hawak ng mahigpit ang mga balikat nito. Hinid siya nito sinagot sa halip ay tinanggal ang pagkakahawak sa balikat nito.



"Wala kang kwenta kausap Raziel. Nasaan ang pakpak ko? Ibalik mo nalang kung hindi mo rin naman ako matutulungan bumaba sa lupa." Inis nitong singhal ng wala paring nakuhang sagot sa dalaga.


Mula sa pagkatalikod ay narinig niya ang nakakainis na tawa ng dalaga. Hinarap niya ito ng may sama ang tingin.


"Wag kang mataranta HANGAL..." saad nito na may diin ang salitang hangal. "Nandito lang ako para sabihan ka—"


"Anong sasabihin mo?" Putol ng lalaki sa sinasabi ng babae.


"Tsk. Masyado kang nagmamadali hangal." Inis na turan ng babae. " Sasabihin ko lamang sayo na para itong misyon. Hindi para sa Panginoon kundi para sa pansarili mong kagustuhan..." Mahaba nitong litanya. walang salita ang lumabas sa bibig ng lalaki. Nais lamang niya na malaman kung ano ang susunod na sasabihin nito sa kanya. "Walang dapat makaalam ng totoo mong katauhan kung ayaw mong bumalik sa lugar kung saan ka nararapat. Hiniling mong maalala ang lahat kaya gawin mo ang misyong ito na ikaw lang ang nakakaalam ng totoo mong pagkatao. Isang pagkakamali lang Jasper ay may kahahantungan ka."


"Ibig sabihin nito, kailangan kong magsinungaling?" Takang tanong ng lalaki sa mga sinabi ng babae. Ngumisi ulit ito bago niya sinagot ang tangang katanungan ng lalaki.


"Kasasabi ko lang hindi ba?" Nakangising balik tanong nito. Hindi niya mawari kung epekto ba ito ng pagkakabagsak ng anghel sa lupa o sadyang tanga lang ito.


"Edi gagawa ako ng kasalanan 'nyan?" Nawala ang ngisi at napasapo na lamang ng noo ang dalaga sa muling katangahang tanong sa kanya ng lalaki.


"Hindi ko mawari kung epekto ba iyan ng pagbagsak mo sa lupa o hindi. Kasalan na rin naman itong ginagawa mo, bakit hindi pa lubus lubusin? Hindi ba? Wag kang mag tanga-tangahan hangal. Matagal ka nang makasalanan kaya hindi na bago sayo ang magsinungaling." Mahabang paliwanag ng babae. Wala namang lumabas na anumang salita sa lalaki dahil alam niyang totoo ang mga tinuran nito. Hindi niya lang maatim ag magsinungaling. Sa lahat ng maaaring maging kasalanan siguro ay ang magsinungaling ang hindi niya kayang gawin.


"Sige, ibalik mo na ako sa lupa." Walang ganang sabi ng lalaki. nais niyangmakatapak sa lupa. Nais niyang makita ang babaeng kanyang iniibig. Makita ito ng hindi na nagtatago sa dilim. Nais niya itong mahawakan at mahalikan ng hindi na ito natutulog.


"Nasa lupa ka naman na..." Pagkasabi ng dalaga ng mga salitang iyon ay biglang lumakas ang hangin. Lakas na nagpasira sa buong tirahan. Nilingon ni Jasper ang dalaga at nakita niya lamang itong nakangisi..

Jasper: The Fallen Angel [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon