Alexandria's POV
"Oh Ms. Cena? Kamusta?" Si Mrs. Amertin. Nabungaran ko sa Chikro Restaurant— pag mamay-ari ng tita ko.
"Ma'am Amertin..." nakangiti kong sabi sa kanya. "Okay lang po.. he-he kayo po?" dagdag ko at napatingin sa mga lalaking nasa likod niya pero napako ang tingin ko sa isa— pamilyar.
Hindi ko alam kung anong meron pero parang katulad ito ng nararamdaman ko sa lalaking nasa panaginip ko. Hindi ko alam. Ang gulo.
Ang mga mata niya, kilay, ilong, pisngi at labi. Parang kilalang kilala ko na siya pero ngayon ko lang naman siya nakita sa tanang buhay ko.
Tinitigan ko pa siya lalo. Parang siya talaga yung lalaki e, pero hindi ko naman maalala ang muka nun dahil nga bigla nalang lumalabo ang paligid.
"Alex... Alex... nakikinig ka ba?" Napatingin ako kay Mrs. Amertin ng itapat niya ang palad niya sa tapat ng muka ko.
Grabe! Nakakahiya.. >////< Nawala sa isip kong nasa harap ko pa pala ang matanda.
"A-ah... S-sorry po. A-ano po yun u-ulit?" Usal ko ng kumakamot sa batok. Napatawa naman siya sa sinabi ko. Grabe! Nakakahiya lang talaga.
Ano ba yan Alexandria. Sa harap pa talaga ni Mrs. Amertin napili mong alalahanin yung itsura ng lalaking nasa panaginip mo? Seriously? Ha?
"Ang sabi ko iha, eto si Jasper. Pamangkin ko..." natatawa niyang pakilala sakin sa pamangkin niya daw na si Jasper. Grabe kasi Alex! Ang stupid mo talaga.
Napapahiya ka talaga sa katangahan mo. Anyway, Jasper is a cool name. "...Jasper, eto naman si Alexandria, isa siya sa mga writer sa school paper ng University." Lingon niya naman kay Jasper.
"Alex nalang po Ma'am. Sobrang haba ng Alexan—-"
"Mas gusto ko ang Alexandria." Nakangiting putol sakin ni Jasper. Grabe! Ang gwapo niya? Teka, bakit may question mark? Basta, gwapo siya! Hindi ko ma-explain pero alam mo yung love—- like at first sight? Basta, siguro kasi gwapo siya? Pero ewan! Ngayon lang naman ako nagka-interes sa isang lalaki.
Tinunguan ko na lamang siya habang nakangiti. Ewan ko ba. Nawala yung sasabihin ko. Bigla kasing gumaan yung feeling. Bigla nalang na-hook ako sa ngiti niya. Nakakahawa. Napapangiti nalang rin ako.
"Ano nga pala ginagawa mo dito iha?" Singit ni Ma'am Amertin sa pagpapatansya ko. Haha! Makasalanan na ako grabe! Ngiti palang niya, makalaglag panty na ika-nga.
"Pupunta po ako sa tita ko..." tugon ko naman sa kanya. Kinontak kasi ako ni Tita na pumunta daw dito sa restaurant niya. Ewan ko kung bakit, basta pumunta nalang ako.
"Ah... ganun ba. Akala ko namamasyal ka lang. Aayain ka sana naming sumama nalang." Paanyaya sakin ng matanda.
Tinanggihan ko ang matanda sa alok niya. Bukod sa pinapatawag ako ng tita ko e nakakahiya naman na makisana ako sa bonding nila ng pamangkin niya.
Nagpaalam na kami sa isa't isa. Nakita kong ngumiti ulit sakin si Jasper. Yung ngiting hindi mo malilimutan dahil parang kahit kaluluwa niya ay galak na galak na tipong sinasabing "sa wakas, nagtagpo din tayo". Pero siguro, baka guni guni ko lang yun.
Pumasok na ako sa loob at dumiretso sa opisina ni Tita. Wala naman yun ibang pamamalagian kundi sa opisina niya.
"Kakilala mo 'yun?" Bungad sakin ni Tita pagkaupo ko sa single couch dito sa loob. Parang maliit na bahay 'tong opisina ni Tita. May TV, may ref at may mga upuan.

BINABASA MO ANG
Jasper: The Fallen Angel [On-going]
FantasySi Jasper na isang anghel ay umibig sa isang mortal na taliwas sa utos ng Diyos. Sinuko niya ang kanyang pakpak para makasama ang mortal. Ano ang kahaharapin niyang buhay matapos ito? Magiging masaya ba siya sa pinili niya o ito'y pagsisisihan niya...