Wing #9 - Mea Somniat

297 17 8
                                    

Di sana ako maga-update kaso nakita ko, 15 days ago na. :3 Sorry na. Wala pa kasi itong PERMANENT plot. Hahahaha! Oh diba, tsaka na yun diba? XD Bahala na si Jasper ika nga. Kung may suggestion ka, PM mo ako okaya magComment ka pero di ko pinapangako na iyon ang magiging plot. XD Para naman maishare niyo kung ano ang gusto niyong maging katapusan ni Jasper. Lol. XD


And one more thing. I decided na ang update nito ay pag may 2 at 7 sa kalendaryo. XD except sa 21, 23, 24 so on and so forth. Ang update ay 2, 7, 12, 17, 22 and 27. Every 5 days, depende parin sa mood ko. Lols. :3 Yun lang, ang haba na nito. XD


~~

Third Person's POV


"Tita? Kamusta po si Xandie? Bakit di niya sinasagot mga tawag at text ko? Bakit hindi siya pumasok ngayon?" Agad na tanong ng binata pagkabukas sa kanya ng pinto ng ginang. Natawa naman ang huli sa mga sunod sunod na tanong ng kararating na binata.


"Hayaan mo munang bigyan kita ng maiinom at umupo sa sala bago ko sagutin iyang mga tanong mo." Natatawa parin nitong tugon sa binata. Nagpakawala nalang ng malalim na buntong hininga ng binata at tumuloy na sa salas ng tahahan.


Maya maya pa'y dumating ang ginang na may dalang isang basong inumin. Umupo ito sa katapat na upuan ng lalaki. Natatawa parin ito sa ekspresyong pinapakita ng lalaki na alalang alala dahil hindi ito nakapasok ngayong araw.


"Tapatin mo nga ako Louie..." Matapang na tanong ng ginang na agad naman ikinalingon ng binata. "May gusto ka ba kay Alex?" Mapanudyo nitong dagdag na tanong. Agad naman gumuhit ang pagtataka sa mukha ng binata. Hindi iyon ang inaasahang ekspresyon na nais makita ng ginang.


"Kayo talaga tita, joker talaga kayo minsan." Natatawang tugon ng binata at kinuha ang isang basong inumin at nilagok. Tinuon niya ulit ang atensyon sa ginang. "Ano nga po bang nangyari kay Xandie at hindi siya pumasok ngayon?" Pag uulit niyang tanong.


"Nilagnat ka—-" Hindi na natuloy ng ginang ang sasabihin dahil sa pagtayo ng binata.


"Nilagnat? Hindi niyo manlang siya dinala sa ospital? Pano kung malala pala iyon?" Mataasang boses sa pagpuputol niya sa sinasabi ng ginang. Agad naman siyang binato ng ginang ng maliit na unan na nasa sofa.


"Mas hunosdili ka ngang bata ka. Lagnat lang yun. Bumaba na kaninang tanghali. Inom lang ang katapat nun. Masyado lang siguro siyang napapagod nitong mga nakaraang araw dahil sa dami ng mga ginagawa niyo." Pagpapakalma sa kanya ng ginang. Nagpakawala na lamang ulit siya ng malamin na buntong hininga. "Ikaw na nga ang kumamusta doon at ako'y aatakihin sayo e." Pagtataboy ng ginang sa binata papunta kay Alex. Agad naman humingi ng pasensya ang binata at pumanhik na sa pangalawang palapag.


Kakatok na sana siya sa pintuan ng kanyang marinig ang boses ng dalaga. Dala ng kyuryosidad ay hindi na muna niya binuksan at hinayaang pakinggan ang mga sinasabi ng dalaga ngunit iisang salita lamang ang kanyang naririnig na paulit ulit. Palakas ng palakas ang salitang binibitiwan ng dalaga. Nagpasya nang pumasok ang binata at kanyang ikinagulat ang mga nasaksihan.


Ang mga gamit ay nagkalat sa lapag at ang buong kwarto ay parang dinaanan ng bagyo sa loob. Ang dalaga ay nakalutang sa puting liwanag. Mahimbing ang tulog nito at tila binabangungot dahil palinga linga ang ulo nito. Agad siyang lumapit lumulutang na dalaga ngunit agad siyang napalayo dahil sa pwersang tumutulak sa kanya palayo.

Jasper: The Fallen Angel [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon