I'll update the next chap if it reach 30 reads. :D Walang nag-aabang? Nagbabasa? Hehe :D Okay po. ~ AtengKrungy
~~
Third Persons POV
"Kamusta ang mortal Jasper?" Tanong ni San Pedro sa kakadating lang na anghel.
"Ganun pa rin po San Pedro. Kakatuntong niya lang sa edad na labing walo." Sagot ni Jasper kay San Pedro tungkol sa balita sa mortal.
"Kung gayo'y labing walong taon ka na rin." Turan ni San Pedro kay Jasper.
"Opo San Perdo." Pagsang ayon ni Jasper sa tinuran ng matanda.
Ang mga anghel ay hindi tumatanda. Sinusunod lamang nila ang edad ng kanilang mga binabantayan. Magpapalit lamang sila ng binabantayan kung iyon ay namatay na. Panibagong buhay at panibagong edad sa kanila kumbaga.
Ang mga anghel na tumatanda lamang ay yung mga namamalagi sa langit. Tinatawag nila ang lugar na iyon na Angel Town, doon namamalagi ang mga tamad na anghel o di kaya'y mahihina ang loob.
Ang mga anghel na gumagabay sa mga mortal o tinatawag na guardian angel at mga anghel na lumalaban sa mga demonyong nais pumasok sa langit o mga warrior angel ay hindi tumatanda at namamatay.
"Malaya ka na pala." Turan sa kanya ni San Pedro.
Ang mga anghel na tumutuntong sa ika labing walong taon kasabay ng kanilang binabantayan ay nagiging malaya, parang mga mortal din pero may mga limitasyon pa rin sila.
"Pero tandaan mo Jasper. Lahat ay may limitasyon at alam kong alam mo kung ano ang tinutukoy ko." Dagdagna turan ni San Pedro.
Tumungo lamang si Jasper bilang tugon sa dinagdag na paalala ni San Pedro sa kanya. Pinipilit niyang iwasan na lalong mahulog sa mortal dahil na rin ayaw niyang suwayin ang mga nakatatandang anghel at ang Panginoon.
Umalis na si Jasper sa pinamamalagian ni San Pedro. Sa kanyang paglalakad ay nakasalubong niya si Antheia, isang anghel na biniyayaan ng Diyos upang makita ang hinaharap para maipamalita sa ibang anghel kung ano ang mga mangyayari.
"Gagawa ka ng kasalanan Jasper." saad sa kanya ng anghel nang sila ay nagkasalubong. Agad napalingon si Jasper sa anghel at hinawakan ang braso nito.
"Anong sinasabi mo Antheia?" tanong ni Jasper sa anghel na siya nitong ikinangisi. Ito ang kinaiinisan ng ibang anghel kay Antheia. Mahilig siyang maglaro ng damdamin ng iba sa pamamagitan ng pang lilito sa kanila patungkol sa mga bagay na mangyayari sa hinaharap.
"Huwag mo akong paglaruan Antheia." inis na turan ni Jasper sa anghel habang pabalibag na binitawan ang braso nito. Muling ngumisi si Antheia sa naging reaksyon ng anghel. Alam niyang iyon ang magiging reaksyon nito.
"Binabalaan lamang kita Jasper." nakangisi nitong turan bago lisanin ang isang naiinis na anghel.

BINABASA MO ANG
Jasper: The Fallen Angel [On-going]
FantasySi Jasper na isang anghel ay umibig sa isang mortal na taliwas sa utos ng Diyos. Sinuko niya ang kanyang pakpak para makasama ang mortal. Ano ang kahaharapin niyang buhay matapos ito? Magiging masaya ba siya sa pinili niya o ito'y pagsisisihan niya...