Wing #8 - Angelus Cecidit [Part 2]

321 28 25
                                    

Gusto ko sanang di muna ituloy ang part 2 para naman mabago yung plot kaso nahihirapan ako kung ano isusunod ko kaya ito nalang. Hahaha! Lokaret lang talaga ako. :)

Angelus Cecidit [Part 2] - Fallen Angel [Part 2]

~~

Third Person's POV

"Mikaella, nakita mo ba si Antheia?" Bungad ng anghel nang makita niya ang kapwa niya anghel. Ang tinuturing niyang matalik na kaibigan. Nalalapit na ang araw na hindi na niya muling makikita ang anghel, nalalapit na ang paglalayo nila ng kaibigan niya.

"Jasper, wag mo nang ituloy." Sagot naman sa kanya ng huli na kanyang ipinagtaka. Tinignan niya ang anghel at nakita niya ang pag aalala sa mga mata nito.

"Anong pinagsasabi mo Mikaella?" Tanong niya ng puno ng pagtataka. Hindi niya alam kung ano ang nais na sabihin ng anghel sa kanya.

"Pakiusap Jasper. Wag mong ituloy. Kung nais mo, ako nalang." Sabi ng anghel habang hawak ang kamay ni Jasper. Agad namang tinggal ng huli ang pagkakahawak nito. Wala siyang maintindihan sa mga pinagsasabi ng kanyang kaibigang anghel. "Matagal na kitang mahal Jasper. Iwan mo na ang pagiging tagapangalaga mo. Sumama ka nalang sakin bilang isang tagapagtanggol." Mahabang pagtatapat at pagsusumamo sa kanya ng anghel.

Walang anumang salita ang lumabas sa bibig ng anghel. Hindi siya makapaniwala sa mga salitang namutawi sa bibig ng kaibigang anghel. Sa tinagal tagal nilang magkaibigan ay ngayon lamang niya narinig ang ganitong salita. Sa kaibigang anghel niya pa mismo.

"Nakita mo ba si Antheia." Pag uulit niyang tanong na waring wala sa kanya ang mga narinig na pagtatapat.

Napatunganga lamang ang anghel sa pag uulit na tanong sa kanya ng minamahal na anghel. Nais niya itong tulungan upang mapabuti ngunit mukang desidido na itong humingi ng tulong sa sakim na anghel.

"Hindi ko siya nakita. Kung nakita ko man, wala akong balak na sabihin sayo." Sagot nito ng hindi nakatingin. Ayaw niyang itulak pa sa kasalanan ang kanyang kaibigan na matagal na niyang iniibig.

Umalis na si Jasper sa kanilang pwesto dahil wala namang siyang mapapalang sagot sa anghel.

"Angelo, nakita mo ba si Antheia?" Tanong niya sa nakasalubong na angel.

"Hindi Jasper e. Tanungin mo si Mikaella, nakita kong magkausap sila kanina lang." Sagot naman sa kanya nito na kanyang ikinagulat. Tama ngang walang balak na sabihin sa kanya ni Mikaella kung nasaan ang anghel.

"Sige, maraming salamat Angelo." Pagkasabi niya nun ay umalis na siya. Hindi niya na pwedeng patagalin ang lahat.

Hindi niya alam kung saan niya mahahanap si Antheia. Hindi niya alam kung saan ito namamalagi. Wala siyang masayadong alam tungkol sa babaeng anghel na ito.

Nanatili siyang naghanap at nagtanong kung kanino man, kung nasaan si Antheia. Ang sabi nito'y makikita lamang niya ito sa kung saan ngunit bakit kung kailan kailangan niya ito tsaka ito hindi nagpapakita sa kanya.

"Agatha, nakita mo ba si Antheia?" Tanong niya sa nakasalubong na may katandaang anghel.

Jasper: The Fallen Angel [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon