Wing #5 - Aura Noire

405 32 28
                                    

As what I said in Krungy's Epal Note, e nag-update ako. Binigyan ako ni Jasper ng oras. Hahaha! Ayaw niyang hindi ako makapag-update sa storya niya. Hahaha! Ayun, salamat sa mga nagbabasa, Paramdam naman kayo. :D

~~~

Alexandria's POV

Hindi ko maintindihan. Wala akong maintindihan. Bakit? Paano? Sino? "Argh!"

"Hoy Alex, ano ba yang sinisigaw mo jan?" Napalingon ako sa nagtanong.

"Huh?" Anong bang pinagsasai nitong babaeng to?

"Anong sinisigaw mo jan bingi. Yung "Argh!" mo jan?" Naibulalas ko pala yun?

"Wala. Wala." Sabi ko with hand gestures pa. Hindi naman na siya nangulit pa. Tsaka ano ba paki niya kung magsalita akong mag-isa?

Nasa school ako ngayon at break time namin. Sumasagi talaga sa isip ko yung nangyari nung saturday ng gabi o madaling araw ba yun? Basta! Madilim pa nung saturday nun.

Kasi naman. Sino ba talaga yun? Panaginip lang ba yun? Bakit parang totoo? Dalawang beses na yun nangyari. Feeling ko panaginip na totoo! Ayst! Nakakainis. Ang gulo ko. Kasi naman, imposible. Tsaka bakit? Anghel ba talaga yun? Bakit ni---

"Uy." Putol sakin ng isang kublit. "Ang layo ng isip natin ah?" Dagdag ni Jessa. Clasmmate ko na feeling close.

"Excuse you. Isip ko lang to." Walang gana kong sagot sa kanya. Totoo naman ah? It's only MY mind not hers nor ours. Hindi ako papayag na iisa ang isip namin. Duh?

"That's an expression Alex, duh?" Pantataray niyang balik sakin. Inikutan ko lang din siya ng mata. "I know." Maiksi kong sabi sa kanya.

Duh? Di ako tanga. Tsaka bakit ako magiging writer kung di ko alam ang mga expression na ganun. Tsss.

Hindi na niya ako pinansin ganun din naman ako sa kanya. Pakialam ko ba sa knaya? Tsaka sinasagot ko pa ang mga katanungan sa isip ko. Posible kayang nagugustuhan na ako ng naghel na yun? Di naman sa feeling akong masyado ah. Kasi nararamdaman ko lagi yung presence niya, and that is seriously creepy. Bakit yung iba? Nararamdaman din ba nila yung mga anghel na gumagabay sa kanila? Kung isa lang itong akda o nobela ay maaari pero argh! This is reality. A sucking reality. Kaya ang hirap paniwalaan, baka mamaya sabihing baliw ako o kaya baliw talaga ako. Diba? Wala nang choice, baliw talaga ang kalalabasan ko. *poker face*

Nawala sa isip ko ang lahat ng mga katanungang iyon ng biglang kumulo ang tiyan ko.

"Di pa pala ako kumakain." Naibulalas ko nalang bigla.

*tugsh* tunog ng isang bumalandrang food tray sa mesa ko. Tinignan ko kung sino ang nagbalandra nun. Pasapak lang kahit isa. Kakasabi ko lang sa nagugutom ako e binalandrahan pa ako ng pagkain sa harapan. Diba? Wow. *poker face*

"Kain ka na. Binili ko yan para sayo." Alok niya sakin sa nilagay niyang food tray sa mesa ko.

Jasper: The Fallen Angel [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon