Wing #6 - Erwerber

437 35 43
                                    

Alexandria's POV

 "Creamy, Kiel and Mae sa arts and science building kayong dalawa." Sabi ni Sir Migs kay Creamy at Kiel, isa sa mga co-writers ko. "Dereck, Brian and Clarizz sa engineering building kayo." Tuloy niya pa. Ako kaya saan? "Alex, dahil mag e-edit pa si Jerome at Sheena. Ikaw muna mag-isa sa ground. Ikaw ang magdocument ng nangyayari sa mga sports club dun sa ground. Papadalhin kita ng makakatylong mo mamaya." Pag assign niya sakin.

"What Sir? Ako lang mag-isa? Ground yun Sir. Ground." Inis kong tutol sa kanya. Tama ba yun? Hayaan akong mag-isa para sa sports club? Sa ground pa! Hindi ba sila naaawa sakin?

"Isusunod ko yung tutulong sayo dun. Wala pa kasi." Isusunod pa? Tss. Nakakainis naman to. Sana pala di muna ako pumasok ngayon.

"Siguraduhin mo lang Sir., naku, pag walang tumulong sakin dun mamaya di ko gagawan yung ng storya." Pagbabanta ko kay Sir. Nakakainis naman yung ganito. Pwede namang ako nalang ang mag edit para fresh ako dito sa loob ng club. Umalis na ako dun at hindi na inintindi yung ibang sasabihin ni Sir. Pasaway na kung pasaway, ilang taon na rin akong nagcocover ng mga event or club event tuwing Intrams.

Siguro nagtataka kayo kung bakit by club kami in-assign hindi by sports? Yung Intrams kasi namin kasama na ang pagse-celebrate ng mga iba't ibang club ng school. Habang yung mga nasa sports club e naglalaro, yung mga nasa iba't ibang club naman ay gumagawa ng kanilang sariling club presentation.

Naglalakad na ako sa ground para maghanap ng magandang kuhaan ng litrato at gawan ng storya. Ang palaging ginagawa ng school paper club tuwing Intrams.

Intrams na at sobrang busy na namin ngayong week. Mabuti nalang at school paper club lang ang sinalihan kong club kung hindi baka hindi na kayanin ng katawan at isipan ko pagnagkataon na may iba pa akong club na sinalihan.

"Ang init. Grabe." Singhal ko sa sarili habang pinupunasan ng marahas ang mga patak ng pawis sa muka ko. Muka na akong na-rape dito. O kaya parang tumakbo ng ilang kilometro. Bakit pa kasi dito ako sa ground in-assign ni Sir. Pwede naman ako nalang dun sa arts and science building. Bakit dito pa?

"Panyo Xandie." Napatigil ako sa pagpunas ng muka ng may bumalandrang panyo sa karapan ng muka ko. Tinignan ko lang yung nag-abot sakin. Sino naman to? "Ako si Louie. Transferee lang ako." Paliwanag niya na parang nabasa ang nasa isip ko. Tinanguan ko nalang siya pero di ko tinanggap yung panyo niyang inabot. Aba! Malay ko ba jan? Naglakad na ako at iniwan siya dun. Di ko naman siya kilala e.

"Teka Xandie!" Napapitlag ako ng hawakan niya ang braso ko.

"Aray!" Singhal ko. Nakakabigla ang paghawak niya. Para bang dinaanan ng ilang boltahe ang braso ko sa ginawang niyang paghawak.

"Sorry, nagulat ba kita Xandie?" Tanong niya sakin. Teka? Sino ba si Xandie? Baka mamaya hindi naman pala ako yun pero bakit niya ako pinigilan?

"Hindi naman. Pero bakit ka ba sunod ng sunod? Tsaka hindi ako si Xandie. I don't know you and it creeps me out being followed by you." Grabe. Di ko naman siya kilala. Di ko din kilala si Xandie na yan? Wala akong kilalang Louie, pero sabagay transferee siya kaya di ko siya kilala pero the hell, bakit niya ako sinusundan?

Jasper: The Fallen Angel [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon