A/N: As you can see. XD I update as early as this. Kasi baka maging idle ako for 2 weeks. :D Busy ang napakaepal niyong tagasalaysay. Ayun lang, sana maibigan ninyo ang kabanata na ito. Hangga't maaari, nais kong mag-iwan kayo ng komento. XD Para naman ma expired este ma inspired ako. Osya! Bangag na po ako. Pasensya. :D ^O^
~~
Third Person's POV
"Nagkakagusto ka na sa mortal na iyon hindi ba?" Tanong ng isang nakakatakot na tinig. Umalingawngaw ang tinig na iyon sa lugar kahit na mahinahon ito. Napuno ng takot ang mga nandoon.
"A-ano po-ng sinasabi n-niyo?" Sagot ng isang natatakot na demonyo na waring hindi nais sagutin ang tanong. Alam niyang isang maling sagot lang ay maaaring mas ilugmok siya sa kumukulong asupre.
"Hindi mo ako maloloko hangal." May inis na sa boses ng lalaki. Mas lalong nanginig sa takot ang mga demonyong naroroon maging ang demonyo na sumagot. "Sagutin mo lang ang tanong ko nang tapat at maaari pa kitang ibalik doon." Mahinahon nang sabi ng lalaki.
"Pagpaumanhin na ho ninyo ang aking kahangalan na inasal kanina. Opo, tama po kayo. Nagugustuhan ko na ang mortal na iyon pero akin po itong pinipigilan." Mahabang paliwanag ng demonyo.
Oo, nagugustuhan na niya ang mortal na iyon dahil sa natatangi nitong kagandahan. Alam niyang hindi maaaring magustuhan ng demonyo ang isang mortal kaya ito ay kanya nang pinipigilan.
Ayaw niyang gayahin ang anghel na si Jasper na minamahal na ang mortal. Lagi niyang nakikita ang mga ngiti at malalalim na tingin ng anghel para sa mortal. Lagi niyang pinagmamasdan kung ano ang ginagawa ng anghel para sa mortal na iyon.
Bukod sa lahat, ayaw niyang magtaksil sa kanyang asawa kaya niya iyon pinipigilan, Oo, si Limas ay may asawa na at isa rin itong demonyo dahil sa batas ni Lucifer ay ang demonyo ay para sa kapwa nito demonyo lamang.
"Mabuti naman at ganun. Bumalik ka na dun at mangpahamak." Utos ni Lucifer kay Limas na sinunod naman ng huli.
Bumalik na si Limas sa lupa at naabutan niyang tulog na ang mortal. Pumwesro siya sa sulok ng kwarto kung saan hindi siya maaaninag ng anghel.
Habang pinagmamasadan niya ang mortal at ang anghel ay unti unting lumalapit ang anghel sa babae. Nais niya itong pigilan ngunit may naisip siyang maganda na siguradong ikatutuwa ni Lucifer.
"May mahuhulog nanamang anghel." Malapad na ngiti ang pumorma sa kanyang labi habang nakikitang kinukuha ng liwanag ang anghel.
Agad siyang bumaba sa impyerno at ibinalita kay Lucifer ang nangyari sa lupa, sa mortal at anghel. Namutawi naman sa labi ni Lucifer ang ngiting tagumpay.
Kinabukasan ...
Pinagmamasdan lamang ni Limas ang mortal. Mas madali niya itong ilagay sa kapahamakan dahil walang anghel na gumagabay dito.Napansin niyang lumilipad ang isip ng mortal kaya may naisip siyang magandang plano upang mapahamak ito. Napansin niya ang truck na paparating kaya ito'y kanyang kinontrol sa pamamagitan ng masamang kapangyarihan.

BINABASA MO ANG
Jasper: The Fallen Angel [On-going]
FantasíaSi Jasper na isang anghel ay umibig sa isang mortal na taliwas sa utos ng Diyos. Sinuko niya ang kanyang pakpak para makasama ang mortal. Ano ang kahaharapin niyang buhay matapos ito? Magiging masaya ba siya sa pinili niya o ito'y pagsisisihan niya...