Wing #8 - Angelus Cecidit [Part 1]

310 29 19
                                    

Third Person's POV

"Inulit mo ulit Jasper. Hindi ka nakinig sakin. Sinira mo ang pina-usapan nating dalawa." Pasinghal na turan ni San Pedro sa hangal na anghel. "Hindi ba't nangako ka sa akin na hindi mo ulit iyon uulitin?Ano ito ngayon Jasper? Paano mo ito mapapaliwanag?" Dagdag pa nito.

Walang anumang salita ang namutawi mula sa bibig ng anghel. Wala na siyang nais na sabihin pa. Ito ay kanya nang nagawa. Ang kanya nalang inaalala ay ang mortal dahil walang nagbabantay dito dahil sa kahangalang kanyang muling ginawa.

"Wag mo na siyang isipin pa Jasper. Ang isipin mo ngayon ay kung paano mo maipapaliwanang ng maayos sa Kanya itong mga kamalian mo." Mga salita ni San Pedro na nagpalingon sa anghel.

"Anong sinasabi niyong paliwanag sa Kanya?" Nagtatakang tanong nito sa matandang anghel.

Napailing ang matandang anghel sa naging reaksiyon ng huli.

"Kinausap Niya ako nung huli. Alam Niya ang una mong kasalan. Tunay ngang hindi natin Siya maloloko Jasper. Pasalamat nalang tayo at pinatawad ka pa Niya. Sa ngayon ikaw na dapat ang kumausap sa Kanya, ipaliwanag ang lahat at humingi ng tawad." Naiiling na wika ng matanda.

Napatungo na lamang ang anghel sa kanyang mga narinig. Hindi niya inaasahan ang mga ganitong pangyayari. Alam niyang alam talaga ng Diyos ang lahat pero nabuhayan siya ng loob nung una dahil nga sa sinabi ng matandang anghel na hindi pa ito nakakaabot sa Kanya.

"Sa sitwasyon mo ngayon, maaaring may masabi at magawa kang mali. Mabuti pang ako nalang ang kumausap sa Kanya at siguraduhin mo na buong puso mong tatanggapin kung ano man ang parusang ipapataw Niya sayo. Alam mo ang tinutukoy ko Jasper." Sabi sa kanya ng matanda at umalis na sa kung saan sila naroroon.

Nanatiling nakayuko ang anghel sa kinaroroon. Alam ng Panginoon na sa mga oras na ito ay ang mortal parin ang iniisip at mas inaalala kasya sa kalagayan niya. Hindi na niya ito mawawala sa sistema niya.

"Jasper...  Jasper... " Napalingon siya ng may biglang nagsalita. Dito ay nakita niya ang mga mapang uyam na ngiti ng babaeng anghel. Hindi na niya ito pinansin sa halip ay tumalikod na at akmang maglalakad ng magsalita ulit ang babae.

"Hindi ba't binalaan na kita?" Napalingon muli siya sa anghel. Hindi niya mawari kung ito ay nag-aalala o kaya'y nang uuyam lamang. "Nais mo bang balaan ulit kita Jasper? Para naman sa ikabubuti mo." Lalo siyang nainis sa mga binitiwang salita ng anghel lalo pa't sinamahan ito ng mga ngiting hindi kanais nais.

"Wala kang magawa sa buhay mo Antheia. Kung wala kang mapaglaruan, wag ako ang tuunan mo ng pansin. Mas mabuti pang gamitin mo iyang biyaya sayo ng Diyos sa mga mabubuting bagay." Naiinis na turan ng anghel sa kapwa niya anghel.

"Sa mabuti ko ito ginagamit Jasper. Sa makatuwid nga tinutulungan pa kitang mapabuti ang kalagayan mo." Nakangisi parin nitong sabi. Hindi na lamang niya pinansin pa ito.

Nais na niyang saktang ang babaeng anghel na ito ngunit kasalanan parin ang manakit ng kapwa anghel, lalo pa't ito'y babae.

"Kung kailangan mo ng tulong, lagi mo naman ako makikita kung saan saan." Pahabol na sigaw ng anghel kay Jasper at tuluyang na itong lumisan.

Jasper: The Fallen Angel [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon