Smile 7 - Darkness

10 1 0
                                    


"Sometimes we get lost in our minds. And when we comeback, another story begins to be written."

~•~

Dahan dahan akong gumalaw mula sa kinahihigaan ko. "Ahh!" Sapo sapo ko ang aking ulo sa biglaang pag sakit nito. Narinig ko ang pagtunog ng pintuan at ang isang pamilyar na boses na tila ba alalang alala sa akin.

"N-nox gising kana!" Sabi ni papa. Sandali tatawag ako ng doctor!"

"Pa, paki buksan nga ng ilaw." Dagli kong sambit bago pa sya makalabas ng kwarto.

"Nox naka bukas lahat ng ilaw dito sa kwarto." tila nagtatakang sabi nya.

"Pa wala akong oras sa pagbibiro."

Bumukas naman ang pintuan tanda na may pumasok sa kwarto.

"Doc kamusta na po sya?"

"Nox...anong nararamdaman mo?" kalmadong tanong ng doctor.

"D-doc wala po akong makita. bakit ganon?" Natataranta kong sambit. "Bakit wala akong makita!?" Sigaw ko pa.

"Nox calm down okay!"

"Doc how can I calm down? wala akong makita!" Naiiyak kong turan sa kanya.

"I'm sorry Nox but starting today, you cannot be able to use your eyes. It's been damage due to the accident that you've experience yesterday. Luckily, you survived."

"I'm blind? I'm fucking blind damn. Fuck shit!" Sigaw ko.

"Your mouth Nox!" ma awtoridad na saway sakin ni papa.

"Fuck kasalanan mo to pa! If it wasn't because of you hindi sana ko bulag ngayon! sana, sana nakakakita pa ko!" Umiiyak kong sambit. Lahat ng mahawakan ko ay binabato ko.

"Nox stop it!" Sambit ni papa.

"Nox calm down hindi makabubuti sayo ang ginagawa mo!"

"Eros! What are you doing?" Rinig kong sambit ng isang babae na kakapasok lamang sa loob ng kwartong kinalalagyan ko. Kilalang kilala ko ang may ari ng boses na yon. Si mama.

"Ma?" Naiiyak kong sambit. Dagli naman syang yumakap sakin kaya yumakap ako pabalik. "Ma bulag na ko! Ma! Hindi na ko makakakita ma!" Umiiyak kong turan sa aking ina. Nakaramdam ako ng tila mumunting patak ng tubig sa aking kamay tanda na umiiyak rin si mama.

"Everything's gonna be fine anak. I'm here, mama is here now with you. Hush now." Pagpapakalma naman niya sakin. Ang Hagulgol kong iyak kanina ay unti unting naging hikbi na lamang. Si mama lang talaga ang nakakapag pakalma sa akin.

Tumayo si mama sa gilid ng aking hinihigaan at inalalayan akong muling humiga. Pinayuhan ako ng doctor na magpahinga muna bago siya lumabas.

"Alfred, bakit ganito 'tong nangyari sa anak mo? Umalis lang ako saglit naaksidente na?" Tila galit na sambit ni mama kay papa. Pabulong lang ito ngunit alam kong nagaaway sila sa di kalayuan.

"Kasalanan ko to, kasalanan ko kung bakit na aksidente ang anak natin."

"Ano? a-anong sabi mo? ikaw?" Nakarinig ako ng isang malakas na tila sampal. "Napaka walang kwenta mo talagang ama!" tila naiiyak narin na sambit ng aking ina. Pilit man nilang hinaan ang kanilang mga boses ay rinig na rinig ko parin ang pagtatalo nila.

"Kahit kailan wala kang nagawang mabuti para sa anak mo alfred! Anong kasalanan ng anak mo sayo ha?! Sumagot ka!"

Mira, walang mapapala ang anak mo sa pagpipinta! Anong gusto mo, hayaan ko sya sa gusto nya tapos wala siyang marating? Mira binabasura ng bansa natin ang ganyang klase ng abilidad, hindi nabibigyan ng sapat na pagkilala yung ganyan. Gusto mo ba yon mangyari sa anak mo?" Mahinanong sambit ni papa.

"Alfred malaki na yung anak natin. Pangarap nya yon hayaan nalang natin sya. All this time ikaw nalang lagi ang nasusunod, yung anak mo naman. Hindi kaba naaawa sa anak mo? Pilit mo syang kinukulong sa mga bagay na hindi naman nya gusto. Wala kang ginawa kundi sirain ang anak mo para mabuo mo yung gusto mo. Sinisira mo sya alfred, sinisira mo yung sarili mong anak wala kang kwenta!"

Hindi na ko nakatiis kaya nagsalita nako. "Tumigil na kayo. Kahit magsisihan kayo hindi nyo maibabalik ang paningin ko." Pilit man nila ikubli sakin ang lahat, alam kong matagal na nilang gustong maghiwalay ngunit mas pinili nilang wag para lang sakin. Pilit rin akong nagbulagbulagan sa katotohanan na yung pinaniniwalaan kong buo at masayang pamilya ay isa lang talagang kasinungalingan sapagkat matagal ng sira ang pamilya ko.

Weeks had passed at nadischarge narin ako sa Hospital. Kasalukuyan akong narito sa kwarto ko at nagpapahinga. Nakarinig naman ako ng tatlong magkakasunod na katok. "Bukas yan." Sambit ko.

"Nak." Si papa.

"What is it?" Malamig kong tugon sa kanya. Masama man ngunit galit ako sa kanya. Siya ang sinisisi ko sa nangyari sa akin.

"Nak I'm sorry." Mahinanon niyang turan.

"Maibabalik ba ng sorry mo yung paningin ko?"

"Look nak, I'm still your father. Respect me. I brought you a new painting set!" he said.

"Respect? Really pa? Nirespeto mo ba yung pangarap ng anak mo? Saka isa pa, painting set?" patuya akong natawa sa tinuran nya. "Bulag ako, do you think I can paint nor draw? Nag iisip ka ba?" Galit kong sambit. Alam kong mali ang ginagawa ko pero anong magagawa ko, galit ako. "Pagod ako pa, let me rest." dagdag kong sabi.

Narinig ko ang buntong hininga nya bago niya tinahak ang pinto palabas ng aking kwarto. Tears started to escape in my both eyes as I've remembered what happened to me. How I experience death-defying accident, how I lost my sense of sight, and how mad I am with my father for making me feel worthless before.

Kinapa ko sa gilid ng aking kama ang aking tungkod na nirecommend sa akin ng doctor. I tried to stand up for a walk, ngunit nabigo ako. Tumama ako sa aking closet kaya't natumba ako at napahiga. Muli, sinubukan kong tumayo para sana maglakad ng muli na naman akong tumama. Sa pagkakatakong ito, sa aking mini table na. Napahawak ako sa aking tiyan na tinamaan ng dulo ng aking mini table. Napaupo ako sa sakit. "Ahhhhhh! Fuck shit! Fuck! Fuck!" Ani ko. Right now, darkness won.

That One Real SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon