"In order for you to succeed, you have to stand against all odds first."~•~
"Nox can I talk to you for a moment?" My mom asked me.
"Sure ma what is it?"
"Keli texted me, I forgot to tell you this before. She said nakita daw nila ikaw na sumasayaw ng mag-isa. May pinakilala ka pa raw na Athenna, pero wala naman silang nakikita. They're worried about you anak, ako rin. What's happening to you?"
"What...? Anong sinasabi nila? Are they saying na I'm making up stories? I'm a stubborn Son mom, but we both know that I am not a liar. Athenna's is real. She's my friend."
"Really?" She asked.
"Yes ma!" I answered.
Napabuntong hininga naman si mama. "Okay sige. One more thing anak. Nakahanap na kami ng eye donor mo. Anytime pwede ka nang operahan." Masayang wika nang aking ina.
"What? Really ma? Makakakita na ko ulit?" I'm so happy!
"Oo anak makakakita kana ulit." She hugged me so I hugged her back.
"Ma, nandyan ba si papa?" Tanong ko.
"Yes anak nasa kwarto why?"
"I think ma its about time na kausapin ko na si papa." I said.
"Good decision anak. Matutuwa ang papa mo panigurado. Siya nga pala, siya ang naghanap ng eye donor mo."
"Salamat ma!" Nginitian ko siya. Nagpahatid naman ako kay nanay ising pa akyat ng kwarto ni papa.
Nang nasa tapat na ako ng kanyang pintuan ay kumatok ako ng tatlong beses. "Bukas yan!" Rinig kong sambit sa loob kaya binuksan ko ito at dahan dahang pumasok. Kapa kapa ko ang paligid ko dahil nga wala pa akong paningin.
"Pa!"
"N-nox!" Dali dali naman niya akong nilapitan at inalalayan sa kanyang munting sofa para makaupo.
"Anong sadya mo anak?"
"Pa I'm sorry!"
"Anak." Pinutol ko siya sa pagsasalita.
"No pa, I'm sorry! Dapat hindi kita sinisi sa nangyari sakin. Kasalanan ko I'm sorry pa, I hope you can forgive me! Wag mong isasara yung Law Firm mo, alam kong pangarap mo yun noon pa." I said.
"A-alam mo?"
"I heard you that night. I was awake pa. Sorry for hurting you, I'm sorry for not being the Son you want me to be pa, I'm sorry!" Both of my eyes were tearing up.
"Stop crying, papa is proud of you. Continue creating yourself, I'm sorry for moulding you and keeping you away with who you really are. I'm sorry anak kung napabayaan ko kayo ni mama mo." Pinunasan niya naman ang mga luha ko at dagli akong niyakap. Yumakap naman ako pabalik.
"I'm sorry!" I said.
"Shhhh, you dont need to apologize anak. I'm at fault."
Pagkatapos naming magkaayos ni papa ay sabay sabay na rin kaming nagtanghalian. Muli, ang dating kainan noong bata pa ko at kumpleto pa kami ay muling naibalik. Maingay na ulit ang hapag kainan. Masayang nagkukwentuhan, wala na ang mga seryosong usapin tungkol sa negosyo, napuno nang tawanan ang hapag habang kumakain kami.
Nang hapon ding iyon ay bumalik ako sa parke. Tulad ng inaasahan, nandon si Athenna.
"Athenna! Nakahanap na kami ng Eye donor ko! Makakakita na ko ulit!" Masayang balita ko sa kanya.
"A-ahm. I'm so happy for you." She said. "Is there something wrong? Hindi ka ba masaya na makakakita na ko ulit?"
"Masaya ko para sayo Nox. I'm very happy for you, I truly am."
Lumipas ang mga oras at ganon ulit ang nangyari. Tulad ng mga ginagawa namin, Kwentuhan, asaran harutan, kinakantahan niya ulit ako palagi.
"Nox?" She said.
"hmmm?" I replied.
"I love you." Sambit niya. What? Do I hear it correctly? Bingi na rin ba ko? Tama ba ang pagkakarinig ko? Mahal niya ko?
"Pardon?"
Natawa naman siya at ginulo ang buhok ko kaya napanguso at napasimangot ako."Sabi ko Mahal kita kaya wag kang ganyan, baka matukso ako at di ko mapigilan ang sarili ko't mahalikan kita. Ngumuso ka pa ulit, hahalikan na talaga kita." Malokong sambit niya.
Pakiramdam ko ay namula ang buong mukha ko dahil sa sinabi niya. "Mr. Nox is blushing yiee~" Sabi niya kaya nakatanggap siya sa akin ng isang pinong kurot.
Ako ang lalaki pero sa lagay na to mas mukha pa kong babae dahil sa ginagawa niya. Geez. "Aray hahaha!" Natatawang sambit niya. "Nox?"
"Ano na naman?" Sungit sungitan kong sambit.
"If my mother and you were drowning in a river, sa tingin mo sinong sasagipin ko?" She asked.
"Of course your mother."
"Correct. I will save my mother, then I'll go back and die with you. There are 12 Months in a year Nox, 365 days in total, 4 weeks in a month, 7 days in a week, 24 hours in a day, but there is only one you in a lifetime. There are billions of people here in this world, luckily I've met you." She said.
"Nakakainis ka bat ka ganyan?" I pouted.
"What?" She innocently asked.
"What ka dyan! What whatin kaya kita? Pasaway kang babae ka! Ako yung lalaki pero mas marunong kapa bumanat. Damn this is so gay pero kinikilig ako." Napatakip ako ng bibig sa sinabi ko. Huli na para mabawi ko ito.
"So kinikilig ka?" Mapang-asar na sambit niya.
"He! Manahimik ka dyan. di tayo bati!" Sabi ko. Tawa naman siya ng tawa kaya napanguso na naman ako. Nagulat naman ako ng maramdaman ko ang malambot niyang labi sa aking mga labi.
"I told you not to do that again. Your lips are sweet by the way." masaya niyang sambit.
Nang makabawi ako sa pagkabigla ay hinila ko sya at muling inangkin ang kanyang mga labi.
"Nox" She said. So I stopped. For the third time she kissed me again. But now, on my cheeks sabay yakap sa akin kaya yumakap rin ako pabalik.
"I love you." She said.

BINABASA MO ANG
That One Real Smile
AcakA story about friendship, bravery, courage, dreams, hope and life. Desperate for his father's attention and support, Nox blamed his father for what happened to him. Until he met a girl named Athenna who taught him how to forgive and how to love. He...