Smile 14 - Barmecide

8 0 0
                                    


"Sometimes we create our own world in order to ease the pain of reality."

~•~

"Ma nakakakita na ko ulit!" Masayang sambit ko sa sasakyan.

Nadischarge na ko sa Hospital. I'm just waiting for my new eye na maging normal na. Medyo malabo pa kasi ang mata ko. I'm temporarily wearing an eyeglasses especially made for my eyes because according to the doctor, kailangan daw maiwasan ang mapuwing lalo na't nasa recovery stage pa.

"I'm so happy for you anak." Nakangiting bati ni mama. Nakangiti ring sumilip si papa sa rearview mirror. I'm so glad, nakikita ko na ulit ang mga ngiti nila. Weeks? or months? I cannot count those times na hindi ko nakita ang mga mahal ko sa buhay.

Hindi ko mapigilang maluha sa labis na galak na aking nararamdaman ngayon. Finally, makikita ko na rin si Athenna. Actually, kinakabahan ako. Kinakabahan akong makita sya tapos excited din ako kase heto na, makikita ko na ang mukha ng babaeng gusto ko.

"Ma, after lunch pupunta po ako sa park." Nakangiting paalam ko.

"Nagkatinginan naman si mama't papa, ang kanilang mata ay tila ba nag-uusap. Hindi ko na lamang pinansin yon dahil masyado akong masaya.

Pagka-uwi sa bahay ay sinalubong ako ng yakap ni nanay ising.

"Hija! Masaya ko't nakakakita ka na uli." Sabi niya.

"Nanay ising masaya rin po akong makita ang maganda niyong mukha." Nakangiti ring sambit kona siyang tinawanan niya naman.

"Alfred, Mira. Nakapagluto na ko, magsikain na kayo." Sabi naman ni nanay ising kayla mama.

"Sumabay ka na samin nanay ising." Nakangiting sambit ni papa.

Pagkatapos ng tanghalian ay dumeretso na ako papuntang parke. Sa mismong pwesto kung saan kami unang nagkita. Muli kong narinig ang huni ng mga ibon, ang pagihip ng hangin na naging sanhi upang lumikha ng masasayang tunog kasabay nito ang pagbagsak ng mga mumunting dahon.

Ilang oras akong matiyagang naghintay, pero walang Athenna na dumating. Nalungkot man ay sa isip-isip ko, baka busy lang talaga siya kaya't hindi naka punta.
Araw-araw ay bumabalik ako sa parke, kasama ang munting pag-asa na baka makita ko na siya. Na, baka this time dumating na siya pero hindi. Araw-araw akong matiyagang naghihintay sa parke ng ilang oras, umaasa na sa oras at araw na iyon, masisilayan ko na ang babaeng mahal ko. Ngunit, tila pinaglalaruan ata ako ng tadhana. In almost a week na pagpapabalik-balik ko, Athenna didn't show up. Hindi siya dumating. Wala akong Athenna na nakita. Malungkot akong ngumiti at tumayo para umuwi na. It's already 6:30pm afterall.

Kinabukasan, habang nag-aayos ako ng sarili ay nilapitan ako ni mama. "Anak pwede ba tayo mag-usap?" Tanong niya.

Nagtaka naman ako. I am going to the park again today but I can lend a time para sa gusto ni mama. "Sure ma."

"Anak napapansin ko lang na day by day anong oras ka na kung umuwi." Sabi naman niya.

"Ma, dyan lang naman ako sa park naglalagi." sagot ko.

"Para ano? Para hintayin yung babaeng hindi naman dumadating?" Sabi ni mama na halos pasigaw na. I can see how frustrated she is.

That One Real SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon